Becca: Miracle?
Yong: So ibig mung sabihin uulitin natin lahat?
Patrick: Yung sa last concert ba ang ibig mong sabihin Devs?
Devon: Oo, uulitin natin ang lahat. Simula nung umpisa hanggang sa dulo.
Becca: Eh paano natin uulitin eh hindi na naming alan ang sequence ng mga songs dun.
Devon: Don’t worry, nakuha lahat ni Jenny sa videocam niya. Nagtake kasi siya ng video noon at nandito ang lahat sa CD.
Kyra: Sa tingin ko Masaya rin naman si James sa kalagayan niya ngayon kaya di na dapat natin siyang pakiaalam. Hayaan na natin siya.
Devon: Ano?
Kyra: Useless lang ang mga gagawin mo Devon kaya wag ka nang mag-aksaya pa ng panahon. Pabayaan mo na si James. Alam nating lahat binigyan ka ni James ng pagkakataon ngunit binalewala mo lang iyon. Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit siya nagkaganito ah. Wag mo na ngang palalain ang sitwasyon! (nagwalk-out)
_________________________________________
Jenny: (nanonood ng video) Naku ang laki ng stage Devs! Makakaya pa ba nating imbitahin ang ganitong karaming tao? Eh si James lang naman ang pinunta nila nung last concert eh. Kaya ba natin to Devs?
Devon: (nagdradrawing sa notebook) Tumahik ka na nga lang Jenny. Kailangan natin itong gawin para kay James.
_________________________________________
Bret: (nagdikit ng poster) Ano ate? Eto, okay na ba?
Student1: (tumakbo papunta sa poster) Concert ulit? Ahhhh.. Para pala kay James.
Devon: Opo, please po pumunta kayo. Tulungan po natin si James na maalala ulit ang lahat.
Student2: Oo nga, support tayo for James.
Jenny: Salamat po. Pakispread na lang po tungkol sa concert.
_________________________________________
Devon: (nag-email sa net) Hello po sa inyong lahat. Gusto ko po sanang humingi ng tulong. Naalala niyo pa ba si James? Yung leader ng bandang Shoutout for Good Vibes? Nagkaamnesia po kasi siya at hindi na niya maalala ang lahat ng nangyari sa kanya dati. Magkakaroon po ulit ng concert sa Sunday, sa parehong lugar pa rin. Uulitin po natin ang lahat ng nangyari noon at sana nga ay ito ang magiging sagot para maalala na ni James ang lahat. Sana po ay dumating kayo at kung wala kayong mapasahe, handa po akong magbayad para sa inyo. Please po, kailangan namin kayo. Kailangan kayo ni James. Maraming salamat po.
Jenny: Devs, okay na. Napamigay na naming ang flyers. Sana nga maraming dumating.
Devon: Salamat Jenny ha. Kung wala ka, di ko alam ang gagawin ko. Thank you talaga.
Jenny: Ahsus! Okay lang ano! Nagdrama si lola!
_________________________________________
Devon: Handa na ba ang lahat Bret?
Bret: Oo Ate Devs, nandito na ba ang banda?
Fretzie: Tinawagan ko na si Kuya Pat, parating na daw siya.
Kyra: Ahhhmmm, Devon?
Devon: (lumingon) Kyra?
Kyra: (hinug si Devon) Sorry :( Naging selfish ako. Sorry talaga Devs. Tutulong ako ngayon. Ako pa rin sa keyboard ha?
Devon: Syempre naman! Di ka naman namin pinalitan ah. Hinihintay ka lang naman namin eh.
Bret: Drama niyo!
Fretzie: Bret naman, hayaan mo nga sila.
Bret: Sorry Bun. (inakbayan si Fretzie)
Jenny: (kapapasok lang sa backstage) Devs, hindi pa puno ang venue.
Devon: (nagpray) Sana dumating sila. Please Lord, Wag mo kaming pabayaan. Ginagawa namin ito para kay James.
Bret: Ate, wag kang mag-alala dadating sila. (hinug ang ate)
Devon: Sana nga Bret. Sana.
_________________________________________
WM: Last 2 chapter na lang at babush! Yehey! Insaktong 25 chapters ah. Hehe. Mukhang sa Monday pa kasunod neto. May iibalita nga pala ako sa inyo pagkatapos nitong ff ko. Abangan na lang! :)
Please support my other blog po. Nice ng story ng “What I Did For Love”. http://storiestobeshared.blogspot.com/
Everyday po ang posting nito kaya di kayo mabibitin. Thanks po sa lahat!
excited nmn ako sa mga kapanapanabik na ending... at excited din ako sa ibabalita mo!! hahaha! echusera mode lng ;)
ReplyDeleteuhver, nabibitin aq.. haizt i can't wait for the next chapter... :)
ReplyDeleteakala ko monday ang next post?
ReplyDeletewaaaa..bilis tin!
atat na atat na ako!