Tuesday, November 30, 2010

"That Cookie Monster" (Chapter 5)


“Who do you want to hit to death?”

            Nakita ng mga nakikiosyosong estudyante nang nagsalita at lumabas si James galing sa gate. Lumapit ito kay Carl.

James: Let go of her. (di pa rin binitawan ni Carl si Devon habang umuubo-ubo na si Devon) I said let go.

Carl: Ano? At bakit ko naman siya bibitawan?

James: Didn’t you got enough beatings the other time?

            Si Devon naman ay patuloy pa ring umuubo habang pinalo-palo ang kamay ni Carl. Tumingin si Carl kay James at kay Devon. Parang natakot siya sa sinabi ni James at binitawan si Devon. Dali-daling binawi ng huli ang kanyang hininga.

James: These bunches of hooligans are so annoying.

Anne: James! Di bah sabi mo- Didn’t you say, you have no girlfriend at other time? (pilit na nag-eenglish)
James: She’s not my girlfriend. And don’t ever think of hitting on me. Even if you give me 500 CDs won’t make me interested on you.

            Natawa ang ibang estudyante sa sinabi ni James. “Kawawa ka girl”, bulong ni Devon sa sarili.

James: And one more thing. Just talk in Filipino okay? I can understand and it’s better. Don’t be so harsh on yourself by trying to speak in English. It just shows how you suck in that subject.

Lalong nagtawanan ang mga tao.

James: (tumingin kay Devon) Let’s go now porter. (naglakad paalis)

            Tumititig pa rin si Devon ng masama kay Carl kahit na nasaktan na ito kanina. Umaksyon pa nga itong susuntukin si Carl. Pilya talaga si Devon. Tila nanghahamon pa ito sa kanila balibhasay sinabihan na ni James si Carl. Sumunod na rin si Devon kung saan patungo si James. Habang humahabol kay James…

Devon: Hoy! Bakit ba ganun sila? Bakit ba sila natatakot sa ‘yo?

James: My temper isn’t good all the time.

Devon: (chuckles) Akin na yang guitara mo. (Tinangkang kunin ang guitarang pasan ni James sa balikat)

James: No! (umilag sa kamay ni Devon)

Devon: Bakit ayaw mo?

James: Isn’t your neck hurt?

Devon: Wey. Nagpapacool na naman. Di bah sabi mo maliban sa music wala ka nang ibang interest? Bakit tinulungan mo pa ako?

James: I’m just bored.

Devon: (ngumiti at umandar ang kapilyahan)  Di kaya… Hmmm… Interesado ka sa akin ano?

James: (huminto) What?! (hinarap si Devon)Do you really see me that way huh?

Devon: (nawala ang ngiti) Anong ibig mong sabihin?

James: Do you know how high my expectations are? (tumalikod at binilisan ang paglalakad)

Devon: (ngumiti ulit) (tumiyad na parang gustong maging kaheight si James) Baka pwede namang i-lower mo yung expectations mo. (humabol)

Nakarating din sila sa practice room na tinutukoy ni James. Huminto si James sa pintuan.

Devon: Dito?

James: Yup. Here.

Devon: Ahh sige. Galingan mo ha. See you tomorrow.

James: Just go in for awhile. I’ll introduce my friends to you and I’ll sing a song for you.

Devon: Ahh hindi. Okay na ako.

            Hinila ni James si Devon papasok sa room. Tumingin lang si Devon sa paligid at pumunta sa isang sulok. Nakita niya ang mga kaibigan ni James na nagple-play nga mga instruments. May banda pala si James at siya ang lead vocalist at nagple-play rin siya ng rhythm guitar.

James: Hi guys!

Mga kabanda: Hello James. Aga natin ngayon ah.

Rebecca: May kasama ka ata. Sino siya?

James: Oh, my porter. Her name is…Devon. Hey come in.

Nainis si Devon dahil para siyang alalay ni James. Nag-action siya na parang susuntok. Napansin ni Devon na nakatingin pala ang isa pang kasamahan ni James na si Kyra. Napaplastic smile tuloy si Devon.

Devon: Hello po sa inyong lahat. (ngumiti ng napakalaki at naglakad papunta sa mga kabanda ni James)

            Napahinto si Devon ng may nakitang lalaking nakaupo sa sofa. Lumingon at tumitig ang lalaki kay Devon. Bigla namang nawala ang ngiti ni Devon.

“Kabanda siya ni James?” tanging naitanong ni Devon sa sarili.


Monday, November 29, 2010

"That Cookie Monster" (Chapter 4)


“THIEF!”


Devon: (liningon ang taong sumigaw) Shhhh! Tumahimik ka nga dyan! Hoy ikaw Cokey fan, gusto mo ba talagang mamatay ha?

James: It’s Cookie. Not Cokey. (hinarap si Devon) Where are you going at this night?

Devon: Pakialamero to ah. Bakit mo ba kailangang malaman ha?

James: Really? (sumigaw ng mahina) Uncle! (tinakot si Devon)

Devon: Shhh! Wag ka ngang maingay ano bah!

James: (nakaquestion mark face lang)

Devon: Pupunta ako sa trabaho, okay?!

James: Ahhh... So you can’t be late?

Devon: Natural unggoy!

James: Hmmm... Lately, my guitar has been a bit heavy.

Devon: Anong pinagsasabi nito? Umayos ka nga! Nagmamadali ako.

James: Send me from school to the practice room, just for a week.

Devon: (chuckled) Ano ka? Sinuswerte?  Humanap ka ng iba na sasama sa iyo noh. Ang dami mong kayang babae.

James: But they all like me. I would let you hold my hand. (winagayway ang kaliwang kamay)

Devon: Eh ano ngayon? Bakit? May gusto ba ako sa iyo? (lumakas ang boses)

James: Shhh…(smiled)

Devon: (tumahimik at nag-isip) (chuckled) Hala sige isumbong mo na ako. Bakit? Sa tingin mo maniniwala yung papa ko sa iyo? Kabago-bago mo lang dito.

James: (chuckled at may kinuha sa bulsa)Well, I just. (Ipinakita ang video cam na dala) Want to watch yourself?

Devon: (di makapaniwala sa ginagawa ni James) Aissshh…Ano ba talagang problema ng mokong na ‘to (bulong)

James: My guitar.

Devon: Pakialam ko ba sa guitara mo. Easy lang naman yan eh. Wag mong dalhin!

James: Ok. No guitar, there’s video. Uncle’s gonna see this.

Devon: Sira ulo talaga! (panggigigil niya)

James: Tomorrow, wait for me in front of my school at 5 pm. Kay? (wide grin)

Devon: Ano pa bang magagawa ko? (Bumaba sa fire staircase ng bahay nila)

James: Well then. See you tomorrow.

_________________________________________   

Sa isang Grocery Store,

Jenny: Talaga? Ang alam ko sikat yun. Di ko pa nga siya nakikita ng personal. Gwapo ba sis?

Devon: (nag-aayos ng mga supplies) Gwapo? Panget nga eh. Parang stick lang. (deny pa si lola pero para sa kanya gwapo yun, may tuliling nga lang)

Jenny: Asus. Singuling ka rin noh? Ang sabihin mo. Gusto mong solohin si Mr. Reid. Wag kang mag-alala. Di ko aagawin ui. May Ryan na ako.

Devon: Ryan na naman.

Jenny: Pupunta ka ba talaga bukas?

Devon: Ano pa bang magagawa ko? Kapag na laman ni papa, tigok ako. (nag-iimagine kung paano siya paparusahan nito) Eeeee. Ayoko.

Jenny: Aiiii (umiiling) Sabi ko na nga bah. Dapat ako na lang nagsuot ng mascot. Dapat ako na lang yung Cookie Monster.

_________________________________________

Kinabukasan, sa Jade Academy (school ni James)…

Devon: (tumingin sa relo) Naku. 5 pm na wala pa siya. Tagal naman.

            Nag-aabang si Devon kay James sa harapan ng gate nang biglang may humawak sa balikat niya.

Shaye: (lumuwa sa harapan niya) (Pinoke ng malakas ang ulo ni Devon) Kapag pumasok ka dito, tatawag kami ng police.

Trish: (lumapit at hinila ang buhok ni Devon) Eh hindi naman to taga rito eh. Sa ibang school ata.

Nagsmile lang si Devon.

Anne: (kumakain ng bubble gum) Bakit ka nakangiti dyan?

Devon: Bitawan mo buhok ko.

Trish: Bitawan ko daw? Ano! (hinila lalo ang buhok)

Shaye: Wala pa lang kwentang babae ito. Upakan na natin. Tara na! (inakbayan si Devon at naglakad)

            Kumawala si Devon sa pagkakaakbay ni Shaye. Susuntukin na sana ni Shaye si Devon ng makuha ng huli ang kamao nito at tiniwist. Namilipit sa sakit si Shaye. Sinuntuk ni Trish si Devon sa likuran ngunit di man lang nasaktan si Devon. Humarap ito kay Trish at kinarate. Natumba kaagad si Trish at dumogo ang kanyang ilong. Si Anne naman ay hindi umimik at lumaban. Pumunta siya sa kaagad sa mga nakapaligid na estudyante. Sumigaw si Trish at binanggit ang pangalang “Carl”. At may lalaking bigla na lang sumulpot at inalalayan si Trish.

Carl: Honey, okay ka lang? Dumudugo na ilong mo.

Trish: Bakit ngayon ka lang Carl?!  Yang babae kasi eh! (tinuro si Devon na nakatayo lang)

Carl: (tinignan si Devon na parang kakainin na habang si Trish naman ay nangbelat pa kay Devon) (lumapit) Saan ka ba nag-aaral ha? Di ka ba tinuruan ng right manners?

Devon: Boyfriend mo ba to? (tumingin kay Trish) Ang laki! Ang taba! Paano ka kapag kumain kayo? Siya lahat kakain? Kaya ka siguro payat ka girl. (chuckles)

Carl: Parang di ka na aabutan bukas iha. Magpaalam ka na sa mundo.

            Nakakarate position na si Devon at agad na sinuntok si Carl sa mukha ngunit hindi ito nasaktan. Parang walang nag-iba sa mukha nito. Ngumiti lang ito at biglang hinila si Devon pataas. Nasa ere na si Devon at hindi makagalaw dahil sa higpit na pagkakakapit ni Carl sa kanyang uniporme. Sinubukan ni Devon na kumiwala ngunit di pa rin ito umubra. Hindi na siya makahinga at nauubo na rin ito.

Shaye: Upakan mo na!

Trish: Carl, gulpihin mo na hanggang sa mamatay! Lecheng babae yan!

Anne: Oo nga Carl! Tadyakan mo na dali!

            Di na talaga makahinga si Devon at pinalo-palo na lang ang kamay ni Carl na nakakapit pa rin. Nag-iingay pa rin sila Shaye, Trish, at Anne ng biglang…

“Who do you want to hit to death?”


Sunday, November 28, 2010

"That Cookie Monster" (Chapter 3)


Devon: (Ni-rub ang mga mata na tila pay puwing sa mata) (Taimtim na tinitigan ang lalaking tumatawa) Siya talaga yan Devon! (bulong sa sarili) Grrr. Don’t tell me kapitbahay mo siya? (nagsimulang mabadtrip)

           
Walang kaalam-alam ang binata na ang babaeng tinatawanan niya ay si Cookie Monster pala. Ngumiti nang nakakaloko ang lalaki kay Devon. Si Devon ay sumimangot lang ang mukha at naka-on mode na ang laser eyes.

Bret: Ate (sabit ni Bret habang nakatitig naman sa isang babae) Wow! Ganda niya! Parang dyosa! (nakanganga)

            Habang si Bret ay puro puri sa babaeng nasa harap niya si Devon naman ay nagngingitngit na sa galit.

Bret: I love her na! (biglang hinila ni Devon at kinaladkad) Wait muna ate!

Devon: (“Pak!”, binatukan si Bret)

Bret: Teka nga ate! (Pilit kumawala) (Tuluyang nahila ni Devon papasok sa bahay)

_________________________________________

Kinabukasan sa Jaevon University...

Jenny: Pambihira at kasalanan ko pa ngayon Devs?

Devon: Hindi mo naman kasi sinabing 4 na oras akong magsusuot ng mascot na yun eh! Alam mo bang muntik na akong himatayin?

Jenny: Sasabihin ko na man talaga sa iyo yun eh pero hindi mo ako pinagsalita. Atat na atat ka na kasing makukuha ng extra job.

Devon: O sige na. Basta, hindi na ako uulit dun. Tapos ang strikto pa ng lover mo.

Jenny: Haha. Edi inamin mo rin. Ganyan talaga si Ryan pagdating sa trabaho. Super serious kaya love na love ko siya eh. (may heart shape na ang mga mata)

Devon: (Tumaas ang kilay)

Boto rin naman si Devon kay Ryan para sa kaibigan pero minsan may pagkasuplado lang talaga si Ryan.

Jenny: Chinika sa ‘kin ni Ryan na may inaway ka daw?

Devon: (naalala ang mga nangyari) Pwde ba, wag na nating pag-usapan iyan.

Jenny: Fine. Wag mo kalimutan mamaya girl ha. Baka malate ka na naman.

Devon: Hindi na promise.

_________________________________________

            Pagkatapos ng klase dali-daling umuwi si Devon. Pagdating sa bahay tinungo niya kaagad ang kanyang kwarto. Magpapahinga na sana siya para makapaghanda sa trabaho mamayang gabi nang biglang…

Mama Lene: Devon anak! Devon!

Devon: Bad trip naman oh (sabi sa sarili) (Lumabas sa kwarto) Bakit ba ma?

Mama Lene: Nak, pakihatid naman ito ( May dalang cake)

Devon: Ha? Saan ko naman yan ihahatid?

Mama Lene: Dun sa bago nating kapitbahay. Gusto ko lang kasi silang iwelcome.

Devon: (napaisip sa lalaking nakita kahapon) Ahmm… Mama, di ba pwedeng ikaw na lang ang maghatid niyan? Ikaw rin naman ang nagluto eh. (nagpalusot si lola)

Mama: Marami pa akong gagawin anak. Sige na pls. (nagsweet smile)

_________________________________________

Devon: (Kumatok sa pinto) Tao po? Tao po? (sinubukang buksan ang pintuan at hindi pala ito nakalock)


            Pumasok si Devon sa bahay ngunit wala pa rin siyang nadatnang tao sa bahay. Napag-isipan niyang iwan na lang sa center table ang cake at umalis na. Paalis na sana si Devon nang may narinig siyang tunog ng gitara. Narinig niyang may tumutugtog ng gitara at kumakanta. Dahil na curious si Devon at nagandahan din sa boses na narinig, maingat niyang inakyat ang hagdanan para silipin kung sino ang kumakanta.

I dislike rides, noise, and amusement park. I hate that cookie monster who acted like a wild shark

          Nakita ni Devon ang lalaking kinamumuhian niya habang nagsusulat ito ng kanta. Nang iniangat ng lalaki ang kanyang ulo nakita niya si Devon na nakatitig sa kanya. Agad namang binaling ni Devon ang tingin sa ibang direksyon.

Lalaki: You? Panty girl? (inosenteng tanong nito)

Devon: Ha? Gusto mo bang mamatay? (violenteng tugon niya) Pumunta ako dito para bigyan kayo ng cake.

Lalaki: (nagsmile lang) I know. I was just joking. Thanks for that. Come up here. (paanyaya ng binata) You’re welcome in here.

Devon: Huwag na. (lumingon-lingon at nakita ang mga nakafile na CDs)

            Namangha si Devon sa rami ng mga CDs na nakita niya sa kwarto nito. Mahilig din kasi ito sa musika kaya nga siya nagpapart time job para makabili siya ng guitara. Nakita rin niya ang mga Cookie Monster collectibles na nakadisplay sa gilid. Medyo makalat pa ang silid dahil kakalipat lang nila. Hindi na pigilan ni Devon ang pagkawili at pumasok sa kwarto nito.

Devon: Wow! Ang rami naman nito! (nakatingin sa mga CDs) Binili mo ba ang lahat ng mga ito?

Lalaki: Ahh, those? Naaa. Girls from everywhere bought them for me.

Devon: Yabang mo rin tsong. Sikat ka ano? Masaya ka siguro’t maraming babae ang nagkakandarapa sa iyo.

Lalaki: No. I don’t have much interest in anything but music. I just accept whatever they give to me. I don’t kher.

Devon: (nanghahalukay ng mga CDs) Talaga? Kahit sino sa kanila wala kang nagugustohan? Sinungaling (bumulong lang sa huling salitang binangit ngunit narinig pa rin ng binata)

Lalaki: (chuckled) You are often told by people that you have no manners, right?

Devon: (deadma sa sinabi) (Pinagdiskitahan ang isang cookie monster stuff toy)
Fan ka ba ni Cookie Monster?

Lalaki: Before. When I was 6. (deny si lolo)

Devon: Was? Eh ngayon?

Lalaki: Not anymore.

Devon: (nirecall yung nangyari at naggrin) Ahhh ganun bah. (sinauli na si cookie monster) Sige. Alis na ako.

Lalaki: Wait. Just listen to my song I just composed before you leave.

Devon: Hindi ako interesado. (Pero nakinig na rin at kinuha ulit ang stuff toy)

I dislike rides, noise, and amusement park. I hate that cookie monster who acted like a wild shark. He poured a drink on me, my eyes went hazy. That cookie monster, he’s absolutely crazy

            Nainis si Devon sa kanta. Tinusuk-tusok ni Devon ang stuff toy gamit ang kanyang daliri. Para tuloy niyang minumurder si Cookie monster. Nakita ng binata at huminto sa pagkanta.

Lalaki: Hey what are you doing with that?

Devon: Ah-ahm. Wala. Nilalaro ko lang naman ah. Cute kasi di bah? (plastic smile)

Lalaki: No. I saw you poking it.

Devon: Gulo mo! Akala ko bah ayaw mo na kay cookie monster ayon pa nga sa kanta mo, hate mo siya. Bakit nagagalit ka noong nakita mo akong pinopoke ito? Itapon na lang natin toh! (winagayway ang stuff toy)

Lalaki: NO! Just leave it there! (tarantang sabi)

Devon: Okay okay. Relax lang po.

Lalaki: I was referring to a different cookie monster.

Devon: Haha. Bakit may bakla bang cookie monster?

Lalaki: No. (chuckled) Well, it’s a long story. But someone poured a drink on me and he was wearing a cookie monster costume. He’s an idiot. He’s crazy! I could have punched him if he was still insight. I don’t want to meet him ever.

Devon: Talaga? (naiinis bigla) Uwi na ako.

Lalaki: Wait!

Devon: Ano na naman bah?

Lalaki: I haven’t introduce myself yet. My name is James Reid. 17 years old. You?

Devon: (nakatalikod lang) Devon (plain lang ang pagkasabi at umalis kaagad)

            Naiwan si James na nagtataka. Hindi niya maintindihan si Devon. He played his song once again and added some new lyrics.

_________________________________________

Pagkagabi…

            May isang tao na nagtiptoed na naglakad sa rooftop. Parang isang tao na tumatakas. Pababa na sana ito ng biglang,

“THIEF!”


Friday, November 26, 2010

"That Cookie Monster" (Chapter 2)

        
         Nagulat sina Joe, Eslove at Ivan sa ginawa ng mascot. Di nila akalaing bubuhusan si James ng inumin dahil lang sa sinabi. Kung tutuusin, mas malaki ang atraso nila Joe at Eslove kay Devon.

Joe: Whow! Ok ka lang tol? (tinatakpan ang bibig sa kaliwang kamay, halatang pinipigil ang tawa)

Eslove: Ano James?

            Hindi pa rin makapaniwala si James sa nangyari. Nakapako lang siya sa upuan at hindi nakagalaw. Parang nanigas siya sa ginaw ng inumin na nabuhos sa kanya.

            Nakita ni Sir Instikto (Ryan) ang mga pangyayari at hinablot si Devon papalayo sa mga lalaki bago pa lumala ang gulo. Nang makalayo na sa lugar,

Ryan: Hey Devon! Why did you do that with oul costumel?

Devon: (tinanggal ang mascot head) Eh kasi naman Ryan pinagtripan ba naman ako? Syempre nasaktan ako kaya gumanti ako.

Ryan: Hey I told you to call me Sil when we are wolking! And besides, costumels are always light lemembel?

Devon: (yumuko) Pasensiya na po Sir. Hindi na po mauulit. (dahil hindi na talaga ako uulit sa trabahong ito!, bulong sa sarili)

_________________________________________

Kinabukasan, sa isang Karate Studio, namumukod tangi ang dalawang nilalang. Kakaiba sila sa mga estudyante ni Master Roy hindi dahil magaling sila ngunit dahil sa kulay ng kanilang uniporme. Silang dalawa lang naman ang nakasuot ng kulay bughaw na uniporme at ang iba ay naka-puti na.

Master Roy: (Tinititigan ang isa sa dalawang natatanging estudyante at sinenyasan itong lumapit)

            Nanigas ang lalaki. Alam niyang wala siyang kalaban-laban sa master nila.

Lalaki: (Sinesanyasan din ang katabi) Ate, tulungan mo ako. Ayaw ko siyang makalaban. Ikaw na. (bumulong sa kapatid)

Devon: Bahala ka noh. Kayanin mo si papa. Tinetest ka lang niyan kung mayroon ka ba talagang natutunan. (inalis ang tingin sa kapatid na parang walang alam)

            Walang nagawa ang lalaki kundi tumayo at humarap sa ama. Nakapikit lang siya habang nakaposisyon na tila handa na para makipagtuos. Ngunit hindi pa man niya naidilat ang mga mata hinila na siya ng ama at pinatumba kaagad. Bumagsak siya ng malakas sa sahig. Napapikit na lang din si Devon.

_________________________________________

Pagkagabi, sa bahay…

Lalaki: Ma, talaga bang tatay ko siya ha? (habang kumakain ng hapunan)

Mama Lene: Ewan ko rin anak. (nakangiti) Sa katunayan nga, pagnakikita ko papa ninyo, nagtataka rin ako kung asawa ko nga ba siya.
( nagbibiro)

Lalaki: Ay, mama naman oh. Wala na bang matino dito? (tinangal ang salompas sa leeg at umalis) Lalayas na ako!

Mama Lene: Bret! (humarap kay DevonDevon, ano bang nangyari sa kapatid mo? Para biro lang. Sundan mo nga anak. (at sumubo nang pagkain)

Devon: (kumakain lang ng kumakain) Ay, hayaan mo yun ma. Nag-eemo lang yun walang kasing girlfriend.

Mama Lene: Girlfriend2x ka dyan. Hala sundan mo yung kapatid mo baka kung saan-saan na naman yun maglalakwatsa.

Devon: Mama naman, kumakain pa nga ako! (sumubo ulit nang kanin bago umalis)

            Umakyat si Devon sa rooftop ng kanilang bahay. Malaki ang espasyo doon. Doon din nakasabit ang kanilang mga damit na pinatutuyo. Nakita ni Devon ang kapatid na si Bret na nagsasalita sa sarili habang pinupunit ang mga dahon ng halaman niya. Mahilig sa mga tanim si Devon. Siya na rin ang nagtatanim at nagdidilig ng mga ito araw-araw. Matagal na din siyang nagtitimpi sa kung sinomang walang hiya ang sumisira sa kanyang mga halaman. Nangtinanong niya minsan si Bret kung alam nya kung sino, sinabi lang sa kanya na baka yung lasinggero nilang kapitbahay ang sumira. Pero ngayon na mismong ang dalawang mata nya na ang nakakita, hindi niya napigilan ang galit.

Devon: Bret! (hinablot ang buhok ni Bret)

Bret: Ate! Ano bah?! (habang pilit na tinatanggal ang kamay)

Devon: Langhiya ka! Sabi mo pa yung lasinggero ang sumisira ha! Alam mo namang iniingatan ko yung mga halaman ko eh!

Bret: Teka ate! (namimilipit na sa sakit) Ate, (nakahawak pa rin sa kamay ni Devon) I love you. (dinaan sa lambing si ate)

Devon: I love you-hin mo yang mukha mo! (nilock ni Devon ang siko niya sa leeg ni Bret)

            Malakas talaga si Devon. Matagal na kasi siyang nag-aaral ng karate. Kahit bata pa ay sumasama na siya sa papa niya kapag  nagtuturo ito. Sa edad na 12 ay black belter na ito. Ngayon, si Devon ay 17 y.o. na at ang kapatid naman na si Bret ay 16 y.o.

Bret: Ate! Pakawalan mo na ako! Nasasaktan na ako pls. (umiiling na sa sakit) (nakawala sa pakakalock at tinulak ang kapatid malapit sa mga damit na nakasabit)

Dahil sa malakas na pagkakatulak, muntik na namang natumba si Devon buti na lang ay naibalance niya ang sarili. Nabangga niya ang ilan sa mga pinatuyong damit nila. Hindi niya namalayan na may tumitingin pala sa kanila habang sila ay nag-aaway ng kapatid. Hindi rin niya na pansin na may nakasabit pala sa kanyang ulo.

Inangat niya ang kanyang ulo para humarap ulit sa kapatid. Pero bago pa man siya makaharap ay nahagip ng kanyang mga mata ang mga taong nakatitig sa kanila na nakatayo sa kalapit na bahay. Agad niya itong binati.

Devon: (ngumiti na lang dahil nahiya sa kanilang ginawa) (kumaway na parang tanga) Ah-eh. He-hello po sa inyo. (nagpaplastic smile ulit) Ngayon lang pala yata ko kayo nakita dito. (hindi pa rin alam na may nakasabit sa kanyang ulo)

Ginang Zeny: Ay oo iha. Kalilipat lang naming kahapon. Ok lang ba kayo?

Devon: Ahh. Ay oo naman po. Wala po ito. Ganito lang talaga kaming magkapatid. (plastic smile ulit habang si Bret ay nakikinig lang) Sige po. Bababa na po kami. Nice to meet you po. (nagbow at nagsimulang lumakad)

Gng. Zeny: Ah-eh. Iha!

Devon: (huminto) Po?

Gng. Zeny: (may tinuturo sa ulo niya na parang may pinararating kay Devon) Sa ulo mo iha.

Bret:  (tumatawa ng palihim)

Devon: (hinawak-hawakan ang ulo at nalamang nakasabit pala ang panty niya sa ulo) (nagulat, tumawa ng mahinhin at yumuko dahil sa kahihiyan)

            Napansin niyang may iba ring tumatawa bukod sa kanya at sa kapatid. Pag-angat niya ng kanyang ulo ay “TADANG!” Nanlaki ang mata sa nakita.