Friday, November 26, 2010

"That Cookie Monster" (Chapter 2)

        
         Nagulat sina Joe, Eslove at Ivan sa ginawa ng mascot. Di nila akalaing bubuhusan si James ng inumin dahil lang sa sinabi. Kung tutuusin, mas malaki ang atraso nila Joe at Eslove kay Devon.

Joe: Whow! Ok ka lang tol? (tinatakpan ang bibig sa kaliwang kamay, halatang pinipigil ang tawa)

Eslove: Ano James?

            Hindi pa rin makapaniwala si James sa nangyari. Nakapako lang siya sa upuan at hindi nakagalaw. Parang nanigas siya sa ginaw ng inumin na nabuhos sa kanya.

            Nakita ni Sir Instikto (Ryan) ang mga pangyayari at hinablot si Devon papalayo sa mga lalaki bago pa lumala ang gulo. Nang makalayo na sa lugar,

Ryan: Hey Devon! Why did you do that with oul costumel?

Devon: (tinanggal ang mascot head) Eh kasi naman Ryan pinagtripan ba naman ako? Syempre nasaktan ako kaya gumanti ako.

Ryan: Hey I told you to call me Sil when we are wolking! And besides, costumels are always light lemembel?

Devon: (yumuko) Pasensiya na po Sir. Hindi na po mauulit. (dahil hindi na talaga ako uulit sa trabahong ito!, bulong sa sarili)

_________________________________________

Kinabukasan, sa isang Karate Studio, namumukod tangi ang dalawang nilalang. Kakaiba sila sa mga estudyante ni Master Roy hindi dahil magaling sila ngunit dahil sa kulay ng kanilang uniporme. Silang dalawa lang naman ang nakasuot ng kulay bughaw na uniporme at ang iba ay naka-puti na.

Master Roy: (Tinititigan ang isa sa dalawang natatanging estudyante at sinenyasan itong lumapit)

            Nanigas ang lalaki. Alam niyang wala siyang kalaban-laban sa master nila.

Lalaki: (Sinesanyasan din ang katabi) Ate, tulungan mo ako. Ayaw ko siyang makalaban. Ikaw na. (bumulong sa kapatid)

Devon: Bahala ka noh. Kayanin mo si papa. Tinetest ka lang niyan kung mayroon ka ba talagang natutunan. (inalis ang tingin sa kapatid na parang walang alam)

            Walang nagawa ang lalaki kundi tumayo at humarap sa ama. Nakapikit lang siya habang nakaposisyon na tila handa na para makipagtuos. Ngunit hindi pa man niya naidilat ang mga mata hinila na siya ng ama at pinatumba kaagad. Bumagsak siya ng malakas sa sahig. Napapikit na lang din si Devon.

_________________________________________

Pagkagabi, sa bahay…

Lalaki: Ma, talaga bang tatay ko siya ha? (habang kumakain ng hapunan)

Mama Lene: Ewan ko rin anak. (nakangiti) Sa katunayan nga, pagnakikita ko papa ninyo, nagtataka rin ako kung asawa ko nga ba siya.
( nagbibiro)

Lalaki: Ay, mama naman oh. Wala na bang matino dito? (tinangal ang salompas sa leeg at umalis) Lalayas na ako!

Mama Lene: Bret! (humarap kay DevonDevon, ano bang nangyari sa kapatid mo? Para biro lang. Sundan mo nga anak. (at sumubo nang pagkain)

Devon: (kumakain lang ng kumakain) Ay, hayaan mo yun ma. Nag-eemo lang yun walang kasing girlfriend.

Mama Lene: Girlfriend2x ka dyan. Hala sundan mo yung kapatid mo baka kung saan-saan na naman yun maglalakwatsa.

Devon: Mama naman, kumakain pa nga ako! (sumubo ulit nang kanin bago umalis)

            Umakyat si Devon sa rooftop ng kanilang bahay. Malaki ang espasyo doon. Doon din nakasabit ang kanilang mga damit na pinatutuyo. Nakita ni Devon ang kapatid na si Bret na nagsasalita sa sarili habang pinupunit ang mga dahon ng halaman niya. Mahilig sa mga tanim si Devon. Siya na rin ang nagtatanim at nagdidilig ng mga ito araw-araw. Matagal na din siyang nagtitimpi sa kung sinomang walang hiya ang sumisira sa kanyang mga halaman. Nangtinanong niya minsan si Bret kung alam nya kung sino, sinabi lang sa kanya na baka yung lasinggero nilang kapitbahay ang sumira. Pero ngayon na mismong ang dalawang mata nya na ang nakakita, hindi niya napigilan ang galit.

Devon: Bret! (hinablot ang buhok ni Bret)

Bret: Ate! Ano bah?! (habang pilit na tinatanggal ang kamay)

Devon: Langhiya ka! Sabi mo pa yung lasinggero ang sumisira ha! Alam mo namang iniingatan ko yung mga halaman ko eh!

Bret: Teka ate! (namimilipit na sa sakit) Ate, (nakahawak pa rin sa kamay ni Devon) I love you. (dinaan sa lambing si ate)

Devon: I love you-hin mo yang mukha mo! (nilock ni Devon ang siko niya sa leeg ni Bret)

            Malakas talaga si Devon. Matagal na kasi siyang nag-aaral ng karate. Kahit bata pa ay sumasama na siya sa papa niya kapag  nagtuturo ito. Sa edad na 12 ay black belter na ito. Ngayon, si Devon ay 17 y.o. na at ang kapatid naman na si Bret ay 16 y.o.

Bret: Ate! Pakawalan mo na ako! Nasasaktan na ako pls. (umiiling na sa sakit) (nakawala sa pakakalock at tinulak ang kapatid malapit sa mga damit na nakasabit)

Dahil sa malakas na pagkakatulak, muntik na namang natumba si Devon buti na lang ay naibalance niya ang sarili. Nabangga niya ang ilan sa mga pinatuyong damit nila. Hindi niya namalayan na may tumitingin pala sa kanila habang sila ay nag-aaway ng kapatid. Hindi rin niya na pansin na may nakasabit pala sa kanyang ulo.

Inangat niya ang kanyang ulo para humarap ulit sa kapatid. Pero bago pa man siya makaharap ay nahagip ng kanyang mga mata ang mga taong nakatitig sa kanila na nakatayo sa kalapit na bahay. Agad niya itong binati.

Devon: (ngumiti na lang dahil nahiya sa kanilang ginawa) (kumaway na parang tanga) Ah-eh. He-hello po sa inyo. (nagpaplastic smile ulit) Ngayon lang pala yata ko kayo nakita dito. (hindi pa rin alam na may nakasabit sa kanyang ulo)

Ginang Zeny: Ay oo iha. Kalilipat lang naming kahapon. Ok lang ba kayo?

Devon: Ahh. Ay oo naman po. Wala po ito. Ganito lang talaga kaming magkapatid. (plastic smile ulit habang si Bret ay nakikinig lang) Sige po. Bababa na po kami. Nice to meet you po. (nagbow at nagsimulang lumakad)

Gng. Zeny: Ah-eh. Iha!

Devon: (huminto) Po?

Gng. Zeny: (may tinuturo sa ulo niya na parang may pinararating kay Devon) Sa ulo mo iha.

Bret:  (tumatawa ng palihim)

Devon: (hinawak-hawakan ang ulo at nalamang nakasabit pala ang panty niya sa ulo) (nagulat, tumawa ng mahinhin at yumuko dahil sa kahihiyan)

            Napansin niyang may iba ring tumatawa bukod sa kanya at sa kapatid. Pag-angat niya ng kanyang ulo ay “TADANG!” Nanlaki ang mata sa nakita.


1 comment:

  1. nice story... funny & interesting!! keep it coming... ;)

    ReplyDelete