Sunday, October 16, 2011

I Love Math?! Not! (Chapter 2)


“Anong ibig mong sabihin? Titira ka na sa London?” halatang nasurpresa sa sinabi ni mama.


Kasalukuyan kaming kumakain ng mama ko sa dining table namin ng sinabi niya sa akin ang plano niya. Bigla kong nabitawan ang tinidor na hawak-hawak habang kumakain ng dessert.

“Zas, bakit ba ang drama mo?” tanong ni mama. “Di ako titira doon. Pupunta lang naman, magstastay lang ng ilang months.”

“Ma, I’m not being dramatic,” sagot ko naman. Hindi ako nagdradrama. Nagulat lang ako sa sinabi niya. Hindi pwede to. Malapit na ang pasukan. “I can’t move to England ma. Pasukan na kaya next week.”

“Alam ko. Kaya nga ako lang ang pupunta mag-isa,” paliwanag niya.

            Ilang segundo rin ang lumipas bago pumasok lahat ng sinabi niya sa utak ko. Wala akong ginawa kundi tumitig sa kanya. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Napapanganga ako sa lahat ng mga narinig.

“Ano? IIwan mo ako? Papabayaan mo ako dito” mangiyak-ngiyak kong sinabi.

“Oh, sweetie. Sino bang nagsabing papabayaan kita?” tumingin sa ibang direksyon. “I’m just going to stay in London for a few months para sa research ko at para na rin sa susunod kong libro. Alam mo naman kaming mga writer, kailangan rin mag-ikot-ikot para naman alam namin yung tungkol sa mga sinusulat namin. Di ako magtatagal, mga 6 months lang. 1 year pinakamatagal.” Sumubo pa ng isang teaspoon ng kanin. Ayaw niya rin kasing magdessert baka daw tataba siya.

“Six months or 1 year?!” inulit kong sabihin. Hindi. Hindi talaga to nangyayari. Nagbibiro lang si mama. “You’re joking right?”

“Nope,” shaking her head.

“Ma! Pano ako? Di mo ba ako naisip?” nanginginig na ang boses ko. There is no way my mom would leave me. Di ako papayag.

“You’ll be fine Zas. Di mo mamamalayan ang oras. Madaling lumipas ang panahon. You’ll hardly miss me anak,” kalmang pagkasabi ni mama na parang hindi niya napapansin ang reaksyon ko sa mukha.

Then a thought occurred to me, na di naman siguro ganoon kasama ang idea ni mama.

“So ano? Titira lang ako dito mag-isa?” napatanong ako casually, halatang pinipigilan ang sariling tumili sa excitement. Titira ako mag-isa! Malaya na ako! Rather than being called as the Human Sci-Cal, makikilala ako bilang ang babaeng independent. At syempre pwede ko tawagin sina Alex at Derreck dito anytime. Di na ako magpapaalam kay mama. Yes!

“Stay here alone? Don’t be ridiculous Zas. Fifteen ka lang! Di ako papayag na ikaw lang dito mag-isa. No, titira ka kasama ng daddy mo.”

I felt as if may isang mabigat na bagay ang binato sa aking dibdib. I just stared at my mom, pilit na humihinga ng maayos. Di talaga. Di ako makapaniwala. Titira ako kasama ni daddy? Pero isa lang ibig sabihin niyan, makakasama ko na ang evil na stepmom at stepsis ko! No way! Hindiii! No, no. My mom couldn’t be serious about this. She could not possibly mean it. She would never do this to me.

“Mama,” dagdag ko pa, halatang proprotesta. “Ayoko. Di ako papayag na titira ako doon kasama nila. Alam mo naman na ayoko sa kanila. I can’t ma. Please don’t make me live with them. At isa pa, paano yung aso ko? What about Kyoko?”

Si Kyoko ang pinakacute kong aso. Binigay siya sa akin ni mama noong 12th birthday ko, nung tuluyan talagang naghiwalay ang parents ko. My stepmom hates dogs. Ewan ko sa kanya, di naman nangangagat ang aso ko. Di nga lumalapit sa kanya eh.

“The thing is,sweetie, that I’m at that age where I have to think of myself first. I need the room to grow, lalo na isang writer ako. Someday maiintindihan mo rin ako. Besides your father is the only one who wanted to run off and start a new life. I think panahon na rin para siya naman ang mag-alaga sa iyo. Baka inaakala niya na wala na siyang responsibilidad sa iyo. Anak ka pa rin niya. He has just as much responsibility for raising you as I do.”

“Ginagamit mo lang ba ako para maturuan mo ng leksyon si daddy?” tanong ko. Naalala ko tuloy nung mga araw na nagsimula silang maging malabo. Puro away, sigawan sa bahay. Tapos naging maayos ng ilang linggo. Lambing-lambingan sa sala. Minsan lumalabas para manood ng movie. Tapos bumalik na naman sa sigawan.Di nagtagal natapos rin ang mga ito yun nga lang mas malala pa. Nabalot ang bahay ng katahimikan. It was even worse than hearing then fighting. Parang walang nakatira sa bahay. They officially got separated when I was eleven, and divorced when I was twelve. And less than a year,nagpakasal ang daddy ko kay Chinna, aka the Demonia. Di ko na masyadong nakikita si dad magkatapos nun. He was busy with his new life, bihira ng bumubisita sakin.

“I won’t do it. I won’t go. I won’t live there with her. I won’t. I won’t, and you can’t make me ma. Di ako titira kasama ng demonia at demonyita.”

Ngumiti si mama. Ayaw rin naman niya sa bagong asawa ni daddy at ng anak nito. Nakita na niya ito dati at tinaasan ang siya ng kilay.

“Di ba ako pwedeng sumama sa inyo sa London?” pagsusumamo ko. “Please don’t leave me ma. Please.”

Saturday, October 15, 2011

I Love Math?! Not! (Chapter 1)


This is how pathetic my life is: My nickname used to be the Human Scientific Calculator. I know. It is the dorkiest nickname in the history of nicknames. But it’s pretty explanatory – I can do math in my head. Add, subtract, multiply, divide, fractions, even more complicated things like calculus. I don’t know how I do it: I just do. When someone asks, “What’s 52, 652 times 95, 737?” I just know that the answer is 5, 040, 744, 524, the same way some people are musical or good at languages or know how to wear scarf without looking stupid. . .Wait, wait, wait. . . Why am I speaking in English? I mean, bakit ba ako nag-eenglish? Sus, nasanay na ako. Sa school kasi namin dapat English speaking ka. Kainis nga minsan eh, nadadala ko sa bahay tska kapag kausap ko mga friends ko kahit hindi na sa school. Anyway, sino ba kasing nagsimula niyang Human Sci-Cal na yan? Wanna know who? Si Anizah lang naman, ang pinakaatribida sa buhay ko. Classmates kasi kami nyan mulang elementary kaya niya alam na magaling talaga ako sa math. Kaya siya, siya ang nagpauso nyan. Ayoko nga eh, sinumbong ko kay mama dati pero alam nyo kung ano sabi niya? “It’s okay sweetie. There is no shame in being special.” Supportive mama ko noh? Heh!

            Anyway, saan ba ako ngayon? Oh yeah. Nalimutan ko. Nasa school pa pala ako at nakaupo habang tinitiis ang isang oras ng pakikinig sa guro naming madaldal, kalbo naman. Don’t get me wrong, gusto ko siya bilang guro, pero minsan alam mo yung tipong lumilipad na utak niya? Yung kahit isa lang yung topic pumupunta naman sa iba? Heller? Ano ba talaga Sir? Nakakabored na nga eh. Noon, madalas pagtapos na kong gumawa ng seatwork, kinukuha ko yung novel na sinulat ni mama. Ninanakaw ko yung copy nya, writer kasi ang mama ko. Di lang basta-bastang writer, sikat na writer! So isang araw sa dati kong school, dahil maaga akong natapos sa seatwork namin at nalimutan kong magpretend na magsulat-sulat, nakita ako ng prof ko na nagbabasa sa ilalalim ng desk ko.

“What is this Ms. Martinez?” tanong ni prof.

“Errrmm, a book sir?” sagot ko naman.

“I know it’s a book Ms. Martinez, but why are you reading this? Why aren’t you working on your seatworks I assigned?”

“I already finished them.”

“So move on to the next seatwork.”

“I did those, too. I’ve done all of them.”

Nakita kong kumunot ang noo niya. Di siguro to naniniwala na tapos na ako.

“May I see them?” tanong nya ulit.

Inabot ko yung papers ko at tignan niya ng mabuti. Makailang ulit siyang pabalik-balik sa mga pages parang di makapaniwalang tapos na ako sa lahat. Mukhang badtrip talaga siya sa akin. Di siya naimpress sa ginawa ko, yan, sure ako.

“Ms. Martinez, go to the principal’s office,” order ng Sir Ramos.

“May I have my book back?” hirit ko pa.

“No,” sabi niya at pumunta ulit sa desk nya.

Later, habang umuupo ako sa labas ng office ng principal, narinig ko ang boses ng mama ko at ni Principal Scott, the American principal.

“… academically gifted, but socially immature…” sabi ng principal. Ouch naman.

“… should provide a more challenging curriculum…” sagot ng mama kong si Sarah.

“… inappropriate reading material for a child…”

“… her father and I divorced recently… causing her to act out…” Palusot ka rin mama ah. Hehe

One week later, pinull out ako ni mama sa public school at inilipat dito. Sa NCISGC “ Northview Covina Independent School for Gifted Children”. Para makapasok ka sa NCISGC, kailangan ka kumuha ng test para mapatunayan mong may IQ at least 125. Ang harsh di ba? Mapili tong school ko. Ano kaya yung sasabihin nila sa mga batang may IQ na 124? “Sorry, you’re smart… but not quite smart enough”? Hala, over ha, ang mean.

Anyway, ang school namin pang American yung setting. Sosyal di ba? In-english dapat sinasabi mo. At tska pwede ka ring pumili ng mga subjects mong kukunin. Meron kasing tapos na dati. Yung advance na ba. Pero dapat makumpleto mo yung by senior year mo. Medyo magulo nga eh. Pero same pa rin naman, Grade 1 to 6 at high school. Nakahiwalay yung building namin yung elementary nasa right, high school naman sa left, yung gitna yung admin building. Pumasok ako dito nung Grade 5 ako. Ngayon magiging junior na ako! Yehey! 2 years na lang at aalis na ako sa Nerky High! Oops. Yan pala tawag namin sa high school namin. Pinagsamang nerd,geek,dork.

            Ang Nerky High ang unang place talaga na nagmedyo nagfit in ako. Medyo lang naman. Karamihan sa mga students dito may special talents. Katulad ng best friend ko, si Alexandra, aka Alex, babae to ah. Magaling to magpinta. Super! Grabe to, malalaking modern pieces lang naman ginagawa neto. May topak nga lang. Kapag nagsimula ng magpinta, ayaw ng huminto. Minsan pumapasok sa school na walang tulog. Ayun, parang lumilitaw. Di makausap ng matino. Yung isa ko pang best friend ay si Derreck, bata pa, mayaman na. Akalain mo? Nakagawa ng video game na ngayon ay sikat na sikat na. Ayun, kumita at ayaw na mag-aral. Adik kasi sa computer at online or video games. Kahit nga yung mga taong hate na hate ko, may mga talents rin. Ang malditang si Anizah, the atribida, magaling sa pagkanta. Kasali nga siya sa choir ng school namin. Ang bestfriend naman niya na parang asong buntot ng buntot sa kanya ay si Trixie, the doggie, magaling magharp. Sa katunayan nakasali na yan sa mga Orchestra.

So basically, mali ang mama ko: I’m not special, not when compared to the kids I go to school with. Sure nga, magaling ako sa math. It might sound special … for about 5 seconds? Kung iisipin mo talaga, walang kwenta yung talent, skill or whatever ko. May pakinabang ba ako? Heller? May mga calculator kaya. Kahit nga sa divisoria, murang mura lang yan. Useless talaga to. It’s totally useless. And you want to know what that makes me? The least gifted kid sa buong school.

Pero this year, desidido akong di magpadala sa kakulangan ko. Alam kong dapat gumagawa ka ng resolutions mo tuwing new year, pero ifofollow ko na lang yung academic calendar. Magstatart ako ngayon. Now na! As in!

Zassie Xharie Martinez, swears to do the following:

1. Tigilan ang pagiging obsess kay Aedyn Patrick Nacario, aka My One True Love, ang pinakasarap. Aisht! Ano ba?! Pinakagwapo pala, pinakahawt, pinaka-all in all “ikaw na” guy sa Nerky High. Instead, iaccept na ang truth and nothing but the truth na hindi niya ako kilala. And worst, na hindi niya alam na nag-eexist ako sa world! Which is really sad di ba? Kung tutuusin mong nagka-classmate kami nung elementary at maliit lang ang population namin ngayong high school.

2. Stop obsessing about the size of your nose! Wait?! Bat puro obsess ako? Kainis naman kasi eh. Bakit kasi malaki ka pa? Okay okay. Alam kong malaki talaga siya, pero since wala naman akong magagawa, dapat tanggapin ko na lang ang masakit na katotohanan.

3. Umiwas sa salamin, para di mo makita ang kay liit mo ilong. HA!

4. Hayaan na si atribida at doggie magsalita. Ideadma na lang sila, ikaw rin lang naman ang maiinis. Instead, dapat taas noo lang ako at smile lang. The plastic smile girl. Keri rin yan.

5. Maghanap ng ibang special talent maliban sa Math skills. Di ko alam, baka magaling ako sa halaman or sa sculptures. Kahit ano, basta wag na math!

6. Wag imind si mama sa diet nya. Kahit parang hindi na kumakain. Hayaan mo na. Kagustuhan niya yan. Isipin na lang ang sarili.

7. Remain calm and poised at all times, chill lang ba.

8. Have a fabulous school year. Wooo! Ready na ako!

I Love Math?! Not! (Synopsis)


Sa Northview Covina Independent School for Gifted Children, lahat ng mga studyante dito mga geeks, nerds, dorks.  Ngunit si Zassie Xharei Martinez di pa rin makafit in sa lahat. Si Zas ay isang Math genius na may magkahiwalay na mga magulang, isang malditang stepmom, maarteng stepsister at walang bf since birth. Palagay niya di talaga siya makafit in kasi di useful yung talent nya. Ang iba kasing geek sa school niya, special ang talent, katulad na lang ng best friends nyang mahilig magpinta at mahilig gumawa ng mga video games. Ang nagagawa lang naman ni Zas ay ang magcalculate ng mga numero sa utak sa loob ng ilang segundo. Sa katunayan, tinatawag si Zas sa school nya bilang “Human Sci-Cal”, na ayaw naman niya dahil sa tuwing nalalaman ito ng mga bagong kakilala niya, wala itong ginagawa kundi tanungin siya ng mga math problems. Tska may mga calculators naman sila, so bakit pa siya kailangan?
                            
Then biglang maaassign si Zas sa isang event sa school (Gifted Heart Gala) na kilala na bilang pinakawalang kwentang event sa school dahil every year na lang kumukuha sila ng speaker galing sa ibang school at puro speech lang naman ang ginagawa na nagiging lame na at boring para sa mga estudyante.  And habang naghihirap siya para makahanap ng date para sa event, hindi niya pamigilan ang mga problemang isa-isang nagsisilabasan mula sa NCISGC aka “Nerky High” hanggang sa bagong tirahan niya – marerealize nya na mas importante pa kung sino ang tunay na ikaw kaysa sa magfit in ka nga pero nagpapanggap ka lang naman.

Friday, October 14, 2011

I Love Math?! Not!


Characters:


Devon Seron as Zassie:

Zassie Xharei Martinez– also known as the “Human Sci-Cal”, matalino sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa Mathematics (obvious na man di ba?) Super simple, walang kakeme-keme sa sarili. Jeans lang at t-shirt, ayos na sa kanya. Di naman panget, maganda nga siya eh kung aayosan lang ng konti. Hindi siya yung nerd na iniimagine ninyo ha. Hindi naman siya nakaglasses, di rin nakabraces, nakaponytail lang cguro parati. Hiwalay ang mga magulang at kasalukuyang naninirahan sa mama niya.



Ivan Dorschner as Aedyn:


Aedyn Patrick Nacario – ang major crush ni Zac since elementary pa. Mahilig maglaro ng basketball at sikat sa school. Magaling pagdating sa science at mahilig mag-imbento ng mga bagay-bagay. Super gwapo at matangkad.


Fretzie Bercede as Alex:


Alex – Oopps! Di ito lalake. Akala niyo ha. Best friend to ni Zas. Ayaw nya kasi patawag sa name niyang Alexandra Charlotte Evangelista. Mahaba daw kasi. Mahilig sa arts lalo na sa pagpipinta. Matalino rin at kaklase ni Zassie kama na yung isa pa nilang kaibigan na si Derreck.


Bret Jackson as Derreck:

Derreck Jake Pintac – best friend rin nina Alex at Zas. Maingay at palaging inaasar si Alex. Tamad pero matalino at mahilig gumawa ng mga computer games. Adik sa computer, puro computer. Minsan di mo maintindihan kasi iba-iba ang topic na sinasabi. Minsan puro games, minsan puro school.

Ann Li as Gail:

Gail Keisha Fernandez – anak ni Chinna na asawa ng tatay ni Zas, meaning, step-sister nya. Mahilig sa make up at fashion. Alam na alam yung latest trends tungkol sa fashion at mga balita tungkol sa artista.

Tricia Santos as Anizah:

Anizah Juliet de Loyola – ang pinakamaldita sa school at ang laging nambubully kay Zas. Magaling kumanta at kasama sa choir ng school. Kasama sa ka-evilan nya si Hannah Trixie.

Shey Bustamante as Trixie:

Trixie – palaging nakabuntot kay Anizah. Mataray rin pagdating kay Zas at sa mga kaibigan niya.


__________________________________________________________


So naintriga na kayo? Saan na si James? haha. Secret. :P


Saturday, April 2, 2011

"That Cookie Monster" (Chapter 25-FINALE)


[Sa bahay nila James at Fretzie]

            Nakaupo lang sina Bret at Fretzie sa may swing habang nagmomoment rin sina James at Devon sa rooftop.

Bret: Fretzie?

Fretzie: Baket?

Bret: May tanong ako.

Fretzie: Ano yun?

Bret: Bakit ikaw marunong magtagalog tapos ang kuya mo hindi?

Fretzie: Ahh, kasi pinanganak at lumaki si kuya dun sa Australia. Dun rin naman ako pinanganak sa Australia pero noong 2 years old ako umuwi kami dito kaya mas kinalakihan ko ang wikang tagalong kumpara kay kuya.

Bret: Ahhh. Kaya pala. May isa pa akong tanong.

Fretzie: Hirit mo na.

Bret: Sinabi na sa akin ni ate ang totoo.

Fretzie: (nagtaka) Anong totoo?

Bret: Yung tungkol kay Bun-bun.

Fretzie’s mind: Patay na! Anong ipapalusot ko?
Fretzie: (nagpatay malisya) Bakit? Kay Bun-bun?

Bret: Asus! (pinikot ang tagiliran ni Fretzie) Ikaw kaya nagnakaw nun! Bakit mo naman siya kinuha?

Fretzie: Aray ko Bret! Ang sakit nun ah! Kinuha ko pala siya?

Bret: HAHA. Painosente2x ka pa! Kahit ganyan mukha mo neng di yan uubra sa kin!

Fretzie: Che! Oo na. Kinuha ko na nga si Bun-bun.

Bret: Bakit nga?

Fretzie: Eh kasi… Kasi ang cute niya, di ko mapigilan sarili ko kaya kinuha ko.

Bret: Weh? Yun lang bah?

Fretzie: Oo naman! Ano pa bang idadahilan ko? Eh yun lang naman talaga.

Bret: Sigurado ka? (tumitig kay Fretzie)

Fretzie: (namumula) Oo nga kulet!

Bret: Sure? (nilapit pa ang mukha)

Fretzie: (lalong namula) Ewan ko sa’yo!

Bret: Eh ba’t nagagalit ka? (nakangisi)

Fretzie: Kulet mo naman kasi!

Bret: Sige na nga, behave na ko oh. (umupo ng maayos) Di na kita kukulitin tungkol dun. Ibang tanong na lang.

Fretzie: Hay nako Bret! Ano na naman yan?

Bret: Pagod ka na ano?

Fretzie: Huh? Aw. Oo, kaya pasok na ako sa loob ha. (tumayo)

Bret: Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isip ko.

Fretzie: (lumingon kay Bret ng nakanganga)

Bret: HAHA! Di makapagsalita! Pagod na yata talaga!

Fretzie: Bahala ka na nga!

Bret: Ang cute mo Fret! Halika nga!

            Hinablot ni Bret ang bewang ni Fretzie at yun! Walang dalawang pag-iisip niya itong hinalikan sa labi. Hindi rin naman kumawala si Fretzie at tinugon rin ang halik ni Bret. Pagkatapos ay humirit pa si Bret,

Bret: Fretzie? (nagmeaningful look)

Fretzie: Hmmmmm?

Bret: Umutot ka ba?

Fretzie! Oh My God Bret! Ano ba yang sinasabi mo?! Hindi noh!

Bret: Kasi you blew me away!

Fretzie: (hinampas si Bret) Ikaw talaga!
_________________________________________

[Sa rooftop]

James: How did you that?

Devon: Did what?

James: The concert I mean. A lot of people did come and I thought it was even more than what we had on our last concert-the real one.

Devon: Ewan ko. Basta kinontact ko lahat ng kakilala ko. Tsyaka naglagay rin kami ng mga posters sa school mo.

James: Whoa! You did that all for me?

Devon: Ano pa nga bah?

James: Wow. I must be the luckiest man to have a girlfriend like you.

Devon: Weh? Di ka pa rin nagbago. Bolero pa rin.

James: (kinuha ang kamay ni Devon at tumutok sa mga mata nito) Really I am. And I sincerely thank you for that.

Devon: Dahil ikaw ang pinili ko at girlfriend mo ako?

James: That, of course but mostly for not giving up on me, Devs.

Devon: Ahhh. (namula) Sure. Malakas ka sakin eh! (tumingin sa ibang direksyon)

James: Yeeee...Kenileg akow nown ah! (kiniliti sa tagiliran si Devon)

Devon: (nagulat) Ano? Ano sabi mo?!

James: Huh? Did I say something?

Devon: James? Ganyan ka na naman ha. May sinabi ka.

James: I did?

Devon: Yes, you did. Sige na. Ulitin mo, please? (nagbeautiful eyes kay James)

James: HAHA. No! It’s so embarrassing Devs.

Devon: Naku! Nahiya ka pa?! Eh girlfriend mo naman ako eh.

James: But still!

Devon: Upakan kita, gusto mo? (nag-action)

James: Why do you have to be so violent to your boyfriend huh?

Devon: Sabihin mo na kasi!

James: Do I really have to say it again Devs? You heard it already, right?

Devon: Oo nga. Pero gusto ko, ulitin mo.

James: Fine, but don’t laugh! (Devon nodded) Yeeee...Kenileg akow nown ah! (highpitch pa!)

            Dahil sa sinabi ni James napatawa ng malakas si Devon at natulak niya ng malaka si James sa kinauupuan nito.  

James: Ouch! (tumayo at hinawakan ang ulo habang tumatawa lang si Devon) It hurts!

Devon: (napansin ang sinabi ni James) Naku! James! Sorry sorry sorry (habang inaalalayan si James para umupo ulit) Ok ka lang bah?

James: Huh? Where is my magic lamp?

Devon: (nagulat at nanlaki ang mata) Oh My God! James! This is me Devon, remember? (nagpanic) Devon, your girlfriend? (hinawakan si James)

James: Devon? No! I don’t know who you are! Let go of me! (inalis ang kamay ni Devon)

Devon: (nangingiyak na) James! Wag ka naman magbiro oh! Di ka na nakakatuwa ha!

James: Princess Jasmine? Where is she?

Devon: Ano bang ginawa ko? (nanginginig sa takot)

James: My lamp! Where is my magic lamp?!

Devon: James naman! (hinawakan ang mukha ni James) Don’t you remember me James? Devon (tinuro ang sarili) This is Devon! Me, Devon!

            Nang makita ni Devon na walang kahit anumang reaksyon ang bumuo sa mukha ni James ay umiyak na ito. Sinubsob na lang niya ang kanyang mukha sa sariling mga kamay at humagolgol ng malakas.

James: My mind doesn’t remember anything, but my heart certainly does.

            Nagulat si Devon sa sinabi ni James at inangat ang kanyang ulo para makita ang mukha ni James. Nakangiti lang ito sa kanya at nakatitig sa kanyang mga mata.

Devon: James?

James: (pinahid ang luha sa mga mata ni Devon) Stop crying, will you? I can’t stand it when you do.

Devon: So walang amnesia? (parang baby na pinipigil ang pagiyak)

James: No, of course not. (sweet smile) I was just playing a joke on you.

Devon: (pinalo ang balikat ni James) Loko ka! Alam mo bang pinaworried mo talaga ako? Ano bang napasok sa kokote mo at ginawa mo yun?!

James: I know. I can see it all on your face. Don’t you know you’re still cute even when you cry?

Devon: Che! Sinasabi mo lang yan kasi guilty ka.

James: Certainly not. Though it made you cry, I’m still not gonna say sorry.

Devon: Huh? Baket?

James: Well, even though I am sure that you love me. Still I was able to prove how much is it. I mean, the love you felt for me. I had never been so happy in my whole life Devs. You're the best thing that's ever happen to me. Through all those months we have been a couple, you never said you love me. But I guess, everything you did, including earlier-your crying moment, was an enough proof for me to believe that you do really love me. And I just would like to say that I truly do feel the same, even more than you do. 

Devon: (mas naluha sa mga sinabi ni James)

James: Devon? Why are you crying? Did I say something wrong?

Devon: No! Wala!

James: Then why are you-

Devon: (pinahid ang luha) Ikaw kasi! Napakapoetic mo!

James: Well, everything that I was saying is true. You believe it, don’t you?

Devon: Oo na! At sino bang may sabing di kita mahal? Mahal nga kita noh!

James: Wow! I can’t believe it. Hearing those words from you just makes me so so (naghanap ng tamang adjective)

Devon: So ano?

James: I don’t know. I just can’t describe it.

Devon: (tumawa)

James: You know what I learned from the day you left me?

Devon: Ano?

James: I finally understood what true love meant. Love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be.

Devon: (kinilig ang lola) Grabeh ka ha. Nagnonose bleed na ako dito! Umayos ka nga! at magtagalog ka ha! 

James: What?! You know it's hard for me to speak tagalog Devon.

Devon: Ah basta! Gusto ko itagalog mo lahat ng sinabi mo kanina. (pinipigilan ang tawa)

James: You're impossible! Devon! Why are making everything so difficult for me?

Devon: Ah basta basta basta! Tagalog! (nag-evil look)

James: Fine!

Devon: Then?

James: Well, it's very easy. (ngumiti) After all, there are only 2 tagalog words I need to use to translate them. 

Devon: (natulala)

James: And that is....(tumitig sa mga mata ni Devon) MAHAL KITA Devon.

Devon: (ngumiti) Mas mahal kita James.

            Dahan-dahang nagkalapit ang mga mukha nina James at Devon. At dun, sa ilalim ng malaking buwan at sa liwanag ng mga daan-daan bituin, may dalawang nilalang na hindi maisalarawan ang matinding nadarama para sa isa’t-isa. Sa wakas ay natagpuan na nila ang pag-ibig na matagal na nilang hinahanap-hanap.

            "He stared at her, knowing with certainty that he was in love with her. He pulled her close and kissed her beneath a blanket of stars, wondering how on earth he'd been lucky enough to find her." 

~THE END~
_________________________________________

Note: OMG! Di ako makapaniwala! Tapos na ang ff ko sa wakas! Naiiyak ako. HAHA. Promise. I’m just so happy. Weee! I just want to thank everyone who are always supporting me and always telling me that I can make this ff. Thank you so much for believing in me! Weeee! You know who you are guys. Di ko maexplain nafefeel ko, kahit sabihin niyo pang OA. HAHA. Kidding. Basta thank you talaga sa mga lahat ng bumasa, nagfollow at nagcomment. Can I just ask one last favour? Comment kayo pleaseeeeeeeeeeeee. Gusto ko malaman ano say nyo. Pwede? Sige na. hehe. Thank you talaga and I love you Gems! Wuhooo!

P.S. Bukas na ang GV!