“Anong ibig mong sabihin? Titira ka na sa London?” halatang nasurpresa sa sinabi ni mama.
Kasalukuyan kaming kumakain ng mama ko sa dining table namin ng sinabi niya sa akin ang plano niya. Bigla kong nabitawan ang tinidor na hawak-hawak habang kumakain ng dessert.
“Zas, bakit ba ang drama mo?” tanong ni mama. “Di ako titira doon. Pupunta lang naman, magstastay lang ng ilang months.”
“Ma, I’m not being dramatic,” sagot ko naman. Hindi ako nagdradrama. Nagulat lang ako sa sinabi niya. Hindi pwede to. Malapit na ang pasukan. “I can’t move to England ma. Pasukan na kaya next week.”
“Alam ko. Kaya nga ako lang ang pupunta mag-isa,” paliwanag niya.
Ilang segundo rin ang lumipas bago pumasok lahat ng sinabi niya sa utak ko. Wala akong ginawa kundi tumitig sa kanya. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Napapanganga ako sa lahat ng mga narinig.
“Ano? IIwan mo ako? Papabayaan mo ako dito” mangiyak-ngiyak kong sinabi.
“Oh, sweetie. Sino bang nagsabing papabayaan kita?” tumingin sa ibang direksyon. “I’m just going to stay in London for a few months para sa research ko at para na rin sa susunod kong libro. Alam mo naman kaming mga writer, kailangan rin mag-ikot-ikot para naman alam namin yung tungkol sa mga sinusulat namin. Di ako magtatagal, mga 6 months lang. 1 year pinakamatagal.” Sumubo pa ng isang teaspoon ng kanin. Ayaw niya rin kasing magdessert baka daw tataba siya.
“Six months or 1 year?!” inulit kong sabihin. Hindi. Hindi talaga to nangyayari. Nagbibiro lang si mama. “You’re joking right?”
“Nope,” shaking her head.
“Ma! Pano ako? Di mo ba ako naisip?” nanginginig na ang boses ko. There is no way my mom would leave me. Di ako papayag.
“You’ll be fine Zas. Di mo mamamalayan ang oras. Madaling lumipas ang panahon. You’ll hardly miss me anak,” kalmang pagkasabi ni mama na parang hindi niya napapansin ang reaksyon ko sa mukha.
Then a thought occurred to me, na di naman siguro ganoon kasama ang idea ni mama.
“So ano? Titira lang ako dito mag-isa?” napatanong ako casually, halatang pinipigilan ang sariling tumili sa excitement. Titira ako mag-isa! Malaya na ako! Rather than being called as the Human Sci-Cal, makikilala ako bilang ang babaeng independent. At syempre pwede ko tawagin sina Alex at Derreck dito anytime. Di na ako magpapaalam kay mama. Yes!
“Stay here alone? Don’t be ridiculous Zas. Fifteen ka lang! Di ako papayag na ikaw lang dito mag-isa. No, titira ka kasama ng daddy mo.”
I felt as if may isang mabigat na bagay ang binato sa aking dibdib. I just stared at my mom, pilit na humihinga ng maayos. Di talaga. Di ako makapaniwala. Titira ako kasama ni daddy? Pero isa lang ibig sabihin niyan, makakasama ko na ang evil na stepmom at stepsis ko! No way! Hindiii! No, no. My mom couldn’t be serious about this. She could not possibly mean it. She would never do this to me.
“Mama,” dagdag ko pa, halatang proprotesta. “Ayoko. Di ako papayag na titira ako doon kasama nila. Alam mo naman na ayoko sa kanila. I can’t ma. Please don’t make me live with them. At isa pa, paano yung aso ko? What about Kyoko?”
Si Kyoko ang pinakacute kong aso. Binigay siya sa akin ni mama noong 12th birthday ko, nung tuluyan talagang naghiwalay ang parents ko. My stepmom hates dogs. Ewan ko sa kanya, di naman nangangagat ang aso ko. Di nga lumalapit sa kanya eh.
“The thing is,sweetie, that I’m at that age where I have to think of myself first. I need the room to grow, lalo na isang writer ako. Someday maiintindihan mo rin ako. Besides your father is the only one who wanted to run off and start a new life. I think panahon na rin para siya naman ang mag-alaga sa iyo. Baka inaakala niya na wala na siyang responsibilidad sa iyo. Anak ka pa rin niya. He has just as much responsibility for raising you as I do.”
“Ginagamit mo lang ba ako para maturuan mo ng leksyon si daddy?” tanong ko. Naalala ko tuloy nung mga araw na nagsimula silang maging malabo. Puro away, sigawan sa bahay. Tapos naging maayos ng ilang linggo. Lambing-lambingan sa sala. Minsan lumalabas para manood ng movie. Tapos bumalik na naman sa sigawan.Di nagtagal natapos rin ang mga ito yun nga lang mas malala pa. Nabalot ang bahay ng katahimikan. It was even worse than hearing then fighting. Parang walang nakatira sa bahay. They officially got separated when I was eleven, and divorced when I was twelve. And less than a year,nagpakasal ang daddy ko kay Chinna, aka the Demonia. Di ko na masyadong nakikita si dad magkatapos nun. He was busy with his new life, bihira ng bumubisita sakin.
“I won’t do it. I won’t go. I won’t live there with her. I won’t. I won’t, and you can’t make me ma. Di ako titira kasama ng demonia at demonyita.”
Ngumiti si mama. Ayaw rin naman niya sa bagong asawa ni daddy at ng anak nito. Nakita na niya ito dati at tinaasan ang siya ng kilay.
“Di ba ako pwedeng sumama sa inyo sa London?” pagsusumamo ko. “Please don’t leave me ma. Please.”
No comments:
Post a Comment