Saturday, October 15, 2011

I Love Math?! Not! (Chapter 1)


This is how pathetic my life is: My nickname used to be the Human Scientific Calculator. I know. It is the dorkiest nickname in the history of nicknames. But it’s pretty explanatory – I can do math in my head. Add, subtract, multiply, divide, fractions, even more complicated things like calculus. I don’t know how I do it: I just do. When someone asks, “What’s 52, 652 times 95, 737?” I just know that the answer is 5, 040, 744, 524, the same way some people are musical or good at languages or know how to wear scarf without looking stupid. . .Wait, wait, wait. . . Why am I speaking in English? I mean, bakit ba ako nag-eenglish? Sus, nasanay na ako. Sa school kasi namin dapat English speaking ka. Kainis nga minsan eh, nadadala ko sa bahay tska kapag kausap ko mga friends ko kahit hindi na sa school. Anyway, sino ba kasing nagsimula niyang Human Sci-Cal na yan? Wanna know who? Si Anizah lang naman, ang pinakaatribida sa buhay ko. Classmates kasi kami nyan mulang elementary kaya niya alam na magaling talaga ako sa math. Kaya siya, siya ang nagpauso nyan. Ayoko nga eh, sinumbong ko kay mama dati pero alam nyo kung ano sabi niya? “It’s okay sweetie. There is no shame in being special.” Supportive mama ko noh? Heh!

            Anyway, saan ba ako ngayon? Oh yeah. Nalimutan ko. Nasa school pa pala ako at nakaupo habang tinitiis ang isang oras ng pakikinig sa guro naming madaldal, kalbo naman. Don’t get me wrong, gusto ko siya bilang guro, pero minsan alam mo yung tipong lumilipad na utak niya? Yung kahit isa lang yung topic pumupunta naman sa iba? Heller? Ano ba talaga Sir? Nakakabored na nga eh. Noon, madalas pagtapos na kong gumawa ng seatwork, kinukuha ko yung novel na sinulat ni mama. Ninanakaw ko yung copy nya, writer kasi ang mama ko. Di lang basta-bastang writer, sikat na writer! So isang araw sa dati kong school, dahil maaga akong natapos sa seatwork namin at nalimutan kong magpretend na magsulat-sulat, nakita ako ng prof ko na nagbabasa sa ilalalim ng desk ko.

“What is this Ms. Martinez?” tanong ni prof.

“Errrmm, a book sir?” sagot ko naman.

“I know it’s a book Ms. Martinez, but why are you reading this? Why aren’t you working on your seatworks I assigned?”

“I already finished them.”

“So move on to the next seatwork.”

“I did those, too. I’ve done all of them.”

Nakita kong kumunot ang noo niya. Di siguro to naniniwala na tapos na ako.

“May I see them?” tanong nya ulit.

Inabot ko yung papers ko at tignan niya ng mabuti. Makailang ulit siyang pabalik-balik sa mga pages parang di makapaniwalang tapos na ako sa lahat. Mukhang badtrip talaga siya sa akin. Di siya naimpress sa ginawa ko, yan, sure ako.

“Ms. Martinez, go to the principal’s office,” order ng Sir Ramos.

“May I have my book back?” hirit ko pa.

“No,” sabi niya at pumunta ulit sa desk nya.

Later, habang umuupo ako sa labas ng office ng principal, narinig ko ang boses ng mama ko at ni Principal Scott, the American principal.

“… academically gifted, but socially immature…” sabi ng principal. Ouch naman.

“… should provide a more challenging curriculum…” sagot ng mama kong si Sarah.

“… inappropriate reading material for a child…”

“… her father and I divorced recently… causing her to act out…” Palusot ka rin mama ah. Hehe

One week later, pinull out ako ni mama sa public school at inilipat dito. Sa NCISGC “ Northview Covina Independent School for Gifted Children”. Para makapasok ka sa NCISGC, kailangan ka kumuha ng test para mapatunayan mong may IQ at least 125. Ang harsh di ba? Mapili tong school ko. Ano kaya yung sasabihin nila sa mga batang may IQ na 124? “Sorry, you’re smart… but not quite smart enough”? Hala, over ha, ang mean.

Anyway, ang school namin pang American yung setting. Sosyal di ba? In-english dapat sinasabi mo. At tska pwede ka ring pumili ng mga subjects mong kukunin. Meron kasing tapos na dati. Yung advance na ba. Pero dapat makumpleto mo yung by senior year mo. Medyo magulo nga eh. Pero same pa rin naman, Grade 1 to 6 at high school. Nakahiwalay yung building namin yung elementary nasa right, high school naman sa left, yung gitna yung admin building. Pumasok ako dito nung Grade 5 ako. Ngayon magiging junior na ako! Yehey! 2 years na lang at aalis na ako sa Nerky High! Oops. Yan pala tawag namin sa high school namin. Pinagsamang nerd,geek,dork.

            Ang Nerky High ang unang place talaga na nagmedyo nagfit in ako. Medyo lang naman. Karamihan sa mga students dito may special talents. Katulad ng best friend ko, si Alexandra, aka Alex, babae to ah. Magaling to magpinta. Super! Grabe to, malalaking modern pieces lang naman ginagawa neto. May topak nga lang. Kapag nagsimula ng magpinta, ayaw ng huminto. Minsan pumapasok sa school na walang tulog. Ayun, parang lumilitaw. Di makausap ng matino. Yung isa ko pang best friend ay si Derreck, bata pa, mayaman na. Akalain mo? Nakagawa ng video game na ngayon ay sikat na sikat na. Ayun, kumita at ayaw na mag-aral. Adik kasi sa computer at online or video games. Kahit nga yung mga taong hate na hate ko, may mga talents rin. Ang malditang si Anizah, the atribida, magaling sa pagkanta. Kasali nga siya sa choir ng school namin. Ang bestfriend naman niya na parang asong buntot ng buntot sa kanya ay si Trixie, the doggie, magaling magharp. Sa katunayan nakasali na yan sa mga Orchestra.

So basically, mali ang mama ko: I’m not special, not when compared to the kids I go to school with. Sure nga, magaling ako sa math. It might sound special … for about 5 seconds? Kung iisipin mo talaga, walang kwenta yung talent, skill or whatever ko. May pakinabang ba ako? Heller? May mga calculator kaya. Kahit nga sa divisoria, murang mura lang yan. Useless talaga to. It’s totally useless. And you want to know what that makes me? The least gifted kid sa buong school.

Pero this year, desidido akong di magpadala sa kakulangan ko. Alam kong dapat gumagawa ka ng resolutions mo tuwing new year, pero ifofollow ko na lang yung academic calendar. Magstatart ako ngayon. Now na! As in!

Zassie Xharie Martinez, swears to do the following:

1. Tigilan ang pagiging obsess kay Aedyn Patrick Nacario, aka My One True Love, ang pinakasarap. Aisht! Ano ba?! Pinakagwapo pala, pinakahawt, pinaka-all in all “ikaw na” guy sa Nerky High. Instead, iaccept na ang truth and nothing but the truth na hindi niya ako kilala. And worst, na hindi niya alam na nag-eexist ako sa world! Which is really sad di ba? Kung tutuusin mong nagka-classmate kami nung elementary at maliit lang ang population namin ngayong high school.

2. Stop obsessing about the size of your nose! Wait?! Bat puro obsess ako? Kainis naman kasi eh. Bakit kasi malaki ka pa? Okay okay. Alam kong malaki talaga siya, pero since wala naman akong magagawa, dapat tanggapin ko na lang ang masakit na katotohanan.

3. Umiwas sa salamin, para di mo makita ang kay liit mo ilong. HA!

4. Hayaan na si atribida at doggie magsalita. Ideadma na lang sila, ikaw rin lang naman ang maiinis. Instead, dapat taas noo lang ako at smile lang. The plastic smile girl. Keri rin yan.

5. Maghanap ng ibang special talent maliban sa Math skills. Di ko alam, baka magaling ako sa halaman or sa sculptures. Kahit ano, basta wag na math!

6. Wag imind si mama sa diet nya. Kahit parang hindi na kumakain. Hayaan mo na. Kagustuhan niya yan. Isipin na lang ang sarili.

7. Remain calm and poised at all times, chill lang ba.

8. Have a fabulous school year. Wooo! Ready na ako!

1 comment:

  1. i like it.thumbs up..excitd 4 james charactr

    ReplyDelete