James: I’m sorry. (sobs) My-my voice won’t come out. (tumutulo pa rin ang mga luha at tinanggal ang gitara)
Naging tahimik ang mga tao at naguluhan sa mga nangyayari. Hindi nila alam kung bakit biglang nagkaganun si James. Si Devon naman ay nanatiling umiiyak habang tinitignan si James. Nilapag ni James ang kanyang gitara sa sahig at bumaba sa stage. Unti-unti itong lumapit kay Devon.
James: Devon, please answer me. I can’t say anything if you don’t answer.
Devon: (nakayuko at tumango lang)
James: (lumapit at bumulong sa tenga ni Devon) I’m sorry for loving you.
Devon: (sobs) James, itigil na natin ang lahat ng ito.
James: (tinanggal ang kwintas na suot nito) (kinuha ang kamay ni Devon at nilagay ang kwintas sa palad nito) This is Devon, and the one you have is James. The two of them should never be apart. Please always have them together. You have to take them to the beach. James really wanted to go with Devon to the seaside. Please take care of them.
Nang maibigay na ni James ang kwintas ay naglakad ito papaalis. Gusto pa man niyang makasama si Devon ay hindi na pwede. Wala na siyang magagawa pa. Kahit anong pilit niya ay hindi na niya mababago iyon. Nakapagdesisyon na ang dalaga at pinili niya si Patrick.
Hindi makapagsalita si Devon. Nasasaktan na siya sa mga nangyayari. Parang unti-unting dinudurog ang puso niya. Hindi niya maitatangi sa sarili na mahal niya talaga si James pero hindi rin naman niya kayang iwan si Patrick. Ngunit sa sandaling naglakad papaalis si James parang may pwersang humihila sa kanya para pigilan ito sa pag-alis. Sumisigaw ng puso niya na dapat habulin niya si James, na dapat hindi niya ito pakawalan. Nagsimulang lumakad si Devon patungo kay James ngunit may biglang humawak ng kanyang braso at pinigilan siya.
Devon: Pat, kailangan kong habulin si James. Kailangan niya ako at kailangan ko rin siya! (nagsusumamo kay Patrick para pabayaan siya nito)
Patrick: Hindi. Hindi pwede.
Rebecca: Patrick! Hayaan mo na silang dalawa! Alam mo ba kung gaano ka kaselfish? Ginagawa mo lang naman ito para sa sarili mo Pat! Hindi ka ba nakokonsensya?! Pinaghihiwalay mo ang dalawang taong nagmamahalan!
Patrick: Ano ba ang alam mo Becca ha?! (tumingin kay Devon) Kung mawawala si Devon, mawawala rin ang lahat sa akin! Hindi ba’t sinabi mong pasasayahin mo ako ulit? Hindi ba’t sinabi mong mananatili ka sa aking tabi? Kailangan din kita Devon!
Devon: (wala nang pinakinggan at tinangkang habulin pa rin si James)
Patrick: (pinigilang pa rin si Devon) Please don’t go Devon. Our promise. When the day comes that I’m ready to be on my own, I will let you go.
Walang nagawa si Devon kundi umiyak na lang ng umiyak. Sa tindi ng sakit na nararamdaman niya ay bigla itong nahimatay.
_________________________________________
Pagkalipas ng 2 buwan…
Jenny: (hinahabol si Devon) Pupunta ka na naman ngayon?
Devon: (ngumiti lang) Pasensya ka na. Kailangan eh.
Jenny: Ah sus!
Devon: Oh sya alis na ako.
Jenny: Sabay na nga lang tayo.
_________________________________________
Sa hospital,
Devon: (hawak ang dalawang kwintas at inaala ang mga nangyari sa kanila ni James dati)
Voice: Did you wait for me for a long time?
_________________________________________
WC: Hahaha. Bitin ulit? Sinandya kong gawing maikli para bitin. HAHA. Joke lang. Anyway, sino sa tingin niyo ang nagmamay-ari ng boses na iyon? Halaaaaa! ABANGAN ang next chapter! Happy Hearts Day ulit! :)
ang sakit sakit ng nagyari.
ReplyDeletedi ko na namn kinya ito!
selfish ka talaga Patrick! Leche! haha
sa tingin ko si James yung owner ng voice. Baka nahospital siya. awwww...
NEXT CHAP NA BILIS!
thanks ms. writer sa ganda mong ff!
next chap na tin :))))
ReplyDelete*jaevonmahal*
alam kung c james yun,.,.,..,
ReplyDeleteang bad mo naman patrick,.,.
Darn it Patrick!! You're so selfish!! You only think about yourself. You didn't even care about what Devon feels!!...
ReplyDeleteAnyways, I think it's James!!! :D :D
C james yan xur ako! whaha
ReplyDelete*asumera mode*
kakainis talaga c patrick..enchosera!
kaasar naman si Patrick. Waaaaaah bakit niyo po pinutol next na po pls :D
ReplyDelete