Friday, February 18, 2011

"That Cookie Monster" (Chapter 21)


Sa hospital,

Devon: (hawak ang dalawang kwintas at inaala ang mga nangyari sa kanila ni James dati)

Voice: Did you wait for me for a long time?

Devon: Ah ikaw pala Pat. Hindi naman, kakatapos ko lang pakainin yung mama mo.

Patrick: Thank you. Sabi ni doc unti-unti nang gumagaling si mama.

Devon: Talaga? Magandang balita iyan. (walang gana ang pagkasabi)

Patrick: (napansin ang kalungkutan ni Devon at nagtangkang akbayan ito)

Devon: (tumayo bago pa maakbayan) Aalis muna ako. May pupuntahan lang importante. (naglakad papaalis)
_________________________________________

Sa isang restaurant,

Becca: Hello! Kumusta ka na Pat? (ngumiti) Long time, no see ah!

Patrick: Hi Becca! Ok lang naman. Ikaw?

Becca: Eto medyo hindi maayos.

Patrick: Huh? Bakit naman?

Becca: Haha. Joke lang oi. Eh mama mo, nasa hospital pa rin ba?

Patrick: Oo. Pero sabi ng doctor bumubuti na daw kalagayan niya eh.

Becca: Buti naman. Galing siguro ng nurse niya. Haha

Patrick: Magaling talaga mag-alaga si Devon.

Becca: (nagulat) Ah si Devon pala tagapag-alaga ng mommy mo?

Patrick: Tinutulungan lang naman niya ako. Gustong-gusto rin naman ni mama si Devs eh.

Becca: Ahhh. Kahanga-hanga talaga yang si Devon.

Patrick: Maiba tayo Bec. Kumusta si James at tsaka yung recording nya? Gusto ko sanang pumunta sa recording niya kaya lang di ko alam kung saan eh. Sinusubukan ko siyang tawagan pero not available na raw. Nagpalit ba siya ng ibang number?

Becca: Ano? Ano bang pinagsasabi mo diyan?

Patrick: Bakit?

Becca: Hindi mo ba nabalitaan Pat?

Patrcik: Ang alin?
_________________________________________

Kinagabihan. Sa bahay nila Devon,

Devon: (tumunog ang phone) Hello?

Becca: Devon?

Devon: Ate Becca? Ikaw ba yan?

Becca: Oo Devs. Kumusta ka na?

Devon: Eto maganda pa rin. Haha. Joke lang. Ikaw?

Becca: Kulit mo pa rin ah. Okay lang. Namiss kita ha!

Devon: Ako rin naman eh! Miss na din kita! Teka, ba’t ka pala napatawag?

Becca: Gusto ko sanang makipag-usap sa’yo eh. May sasabihin lang ako.

Devon: Ahh. Ano ba iyon?

Becca: Magkita na lang tayo sa resto malapit sa Music Shop.

Devon: Sige ate. Bye.
_________________________________________

Sa restaurant,

Devon: Oh Ate Becca. Ano bang gusto mong sabihin?

Becca: Hindi naman sa nakikialam pa ako sa inyong tatlo Devs ha. Pero pakiramdam ko kasi kailanganan mo rin itong malaman.

Devon: Ano ba iyon ate?

Becca: Wala bang nabanggit sa iyo si Patrick tungkol kay James?

Devon: (litong-lito at kinakabahan) Wala naman eh. Tsaka di pa siya tumatawag sa akin mula pa kaninang umaga.

Becca: Devon, naaksidente si James nung gabi ng last concert namin. Pagkatapos niyang umalis sa venue, nagtext siya sa akin at napagdesisyunan niyang bumalik na lang sa Australia. Ngunit nang papunta na siya sa bahay ng Auntie niya para doon magpalipas ng gabi, nagkabungguan ang kanyang sasakyan at ang isang truck.

Devon: (umiiyak) A-ano na ang na-nangyari sa kanya pagkatapos nun? Na-ho-hospital ba si James?

Becca: Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos nun. Tinawagan lang kasi ako ng mommy ni James para tanungin kung ano ang nangyari sa kanya sa concert. Lasing daw kasi ito at mabilis raw ang pagmaneho niya ng sasakyan. Hindi naman kasi umiinum si James eh kaya nagtaka si tita kung bakit siya nagkaganun. Sabi ng doctor okay lang daw ang ibang parte ng kanyang katawan. Buti at hindi naman siya nabalian. Ngunit mukhang lubhang naapektohan daw ang kanyang utak dahil sa lakas ng impact ng bangaan. Sabi sa akin ni James bago siya maaksidente na aalis na lang daw siya para sa katahimikan at kapayapaan ninyong tatlo. Ayaw niya kasing masaktan ka pa, pati na rin si Pat.

Devon: (humahagolgol) Kasalanan ko ang lahat. James. Nasaan na siya ngayon?

Becca: Bumalik muna sila tita doon sa dati nilang tinitirhan. Nandoon rin si James at kasalukuyang nagpapagaling.
_________________________________________

            Habang nakasakay si Devon sa isang bus papunta sa bahay na kasalukuyang tinitirhan ni James, naalala niya ang mga sinabi nito dati.

~ FLASHBACK! ~

James: Do you know what is the most depressing thing about humans after death?

Devon: Huh?

James: It’s that they can never meet their loved ones again. (ngumiti)  So I can’t die.

Devon: Ano bang sinasabi mo diyan ha? Bakit? Mamamatay ka na ba? (ngumiti)

James: (serious tone) Because if I did, I could never see you again. I could never meet you again. And I hate that.

~ END OF FLASHBACK ~

Devon’s mind: James! I’m sorry. Babalikan kita, I promise. Hindi na kita pakakawalan pa. Hindi na kita iiwan!
_________________________________________

Pagkalipas ng 2 buwan,

Bata 1: Habulin natin siya!

Bata 2: Dali! Bilisan natin!

Bata 3: Yung teapot ko, Kuya Ray! (umiiyak habang tumatakbo)

Devon: (biglang hinarang ang mga bata) Hoy kayo! Ang ingay ninyo ha!

Ray: Eh kinuha ang teapot ng kapatid ko eh!

Devon: Sino ba ang may sabing maglaro kayo dito? Hindi kayo pwedeng pumasok! Teritoryo namin ito!

Bata 2: Hindi naman kami naglaro dito ah. Kinuha niya kasi ang teapot ni Kate kaya namin siya hinabol!

Kate: Oo nga! Magnanakaw siya! Kuya Neil, kunin na natin!

Devon:  Hep hep hep! Bawal nga eh! Ang kulit! Umalis na nga kayo!

Neil: Ano ba yang kasama mo? Itali mo nga yan ng hindi makaistorbo ng mga bata!

Devon: Anong sabi mo?! Hindi siya aso para itali ko noh! Walang respeto kang bata ka! Kay bata mo pa, ganyan ka na magsalita ha! Alis na! Alis!

            Walang nagawa ang tatlong bata kundi umalis na lang. Linapitan agad ni Devon ang taong kumuha ng teapot habang nakayuko ito at hinimas-himas ang teapot na kinuha.

Lalaki: Sige na lumabas ka na! Sige na, sige na!

Devon: James? Anong ginagawa mo?
_________________________________________

WC: Yey! Natapos ko rin! Haba ha. Bumawi ako kasi ang ikli ng chap 20 eh. Bitin ulit? For sure gulong-gulo na kayo sa story ko. Hehe. Gets nyo pa ba ang mga nangyayari friends? Anyway, ABANGAN na lang ang next chapter, okei? :)


6 comments:

  1. d ko gets..hahahaha

    ReplyDelete
  2. haha..ako gets ko..pero theory ko lang naman eh.

    may twist ata eh..patapos na ba to miss writer?
    next na pls.

    ReplyDelete
  3. di na ko makapaghintay sa nxt chapter ! :)

    ReplyDelete
  4. bakit ba ganyan c devon ? ang loading nya in-fairness !

    ReplyDelete
  5. gulong-gulo na ako!
    pag-ibig nga naman.
    kasalanan mu talga devs iniwn mo kc james!
    kaya naaksidente tuloy.

    d na lang ako magsasalita.
    may plano ata c christine eh.
    galing!

    ReplyDelete
  6. i think my korean movie na ganit0 ang story per0 pinaganda mo lng but at the james mind will be back...idk if yun nga ba but in sure same story lng ang title yata ay DOREMIFASO sa korean movie..fav ko kac y0n base sa story ny asuper unique thats why feel ko pareh0 cla..-KRISTEL

    ReplyDelete