Friday, November 26, 2010

"That Cookie Monster" (Chapter 1)

by Christine Diane Guillena


Saturday

            Sa isang Amusement Park sa Laguna, may isang mascot na nakikipaglaro sa mga bata habang nakabilad sa sikat ng araw. Kahit na nagsasaya ito kasama ang mga bata sa park, hindi pa rin niya maiwasang mapagod dahil nga mag-tatatlong oras na siyang nakusuot sa mascot na Cookie Monster. Kung hindi lang siya nangangailangan ng pera siguradong hindi niya papasukin ang ganitong klase ng trabaho na inalok pa ng kaibigan niya. Sino naman kasing matinong babae ang tatanggap ng trabahong ito, alam niyang hindi madali ito. Lalaki lang naman siguro ang makakatiis sa init at makakatagal sa loob ng costume na iyon.

            Ilang minuto pa ay nagdesisyon siyang magpahinga muna dahil sa tansya nya ilang segundo na lang ay mahihimatay na siya. Hindi na niya talaga matiis ang nararamdaman. Hindi na siya makahinga at nahihilo na rin siya. Pumunta siya sa isang sulok ng Amusement Park kung saan walang masyadong tao at tinanggal ang mascot head niya.  Inilagay niya ito sa bench na malapit lang sa kanyang kinatatayuan. Naisapan niyang upo muna at magpahinga ngunit nang umupo na siya nahulog siya sa bench. Nakalimutan niyang hindi pala siya makakaupo.  Dapat kasi malaki ang espasyo na uupuan nya para magkasya ito sa may pwetan na bahagi ng costume. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo na lamang.

Babae: Hay nako! (sighed) Kapag minamalas ka naman! Naghihirap na ngang huminga at nahihilo na, di pa rin makaupo at makapagpahinga. (nagsisimula nang mainis) Di ko na talaga to uulitin. I swear! (nagdeep sigh) Hayyyyy. Hindi ko naman kasi akalain na matagal akong magsusuot sa costume na itech! Kasalanan mo talaga ito Jenny! (nangbiglang may naalala) Naku! Baka masight na naman ako ni Sir Intsikto…HAHAHA (at natawa sa pangalan) In fairness bagay sa kanya, intsik na, parang insekto pa…HAHAHA...

Sa isip: Hay nako Devon tumigil ka na nga sa kakabackbite mo diyan baka makita ka nya at tsaka close yun kay Jenny kaya wag kang ganyan! Buti nga’t binigyan ka pa nya ng trabaho. Tumigil ka na rin sa kakausap sa sarili mo. Para ka nang loka-loka ha!

Devon: (sighed again) Kakayananin mo ito girl! Good vibes lagi! (ngumiti at muling isinuot ang head ni Cookie monster)

            Bumalik siya kung saan siya nakapwesto kanina ngunit nangkinalaunan ay pinagkakaguluhan na siya. Hindi nya alam kung bakit panagkakaguluhan na siya ng mga bata at kahit yung mga teenagers.

Devon: Ang chaotic naman ni Mother Earth! Bakit ba ito nangyayari sa aketch?! Wag niyo mo akong pagkaguluhan! Hindi ako artista!
( akala niya ay nawiwili lang ang mga tao sa kanya ngunit naramdaman niya na tinutulak-tulak na siya nang mga ito) WAIT! HOY! Ano bah? Tao po ako! Heller! ( tinulak siya ng malakas ng isang bata at bigla siyang na out of balance) Waaaaaaa!!!!! Mga hinayupak! (pinilit niyang itinayo ang sarili at nang makakuha ng balance ay nagtry siyang tumayo)

_________________________________________

Sa kabilang banda naman…

            May 4 na lalaki na magbabarkada ang nagkwekwentohan. Nakita ng isa sa kanila ang mascot na si Cookie Monster na pinagkakaguluhan.

Joe: Mga tol! Si Cookie Monster oh pinagkakaguluhan!
           
Tumingin naman ang tatlo sa kinaroroonan ng mascot.

Ivan: Wooooow! Grabeeeehhh! I didn’t know cookie monster is very famous. All the kids seem to love him and even those teenagers!

Eslove: Wahahah…Sikat si cookie monster ano bah. Kaya nga favorite yan ni James eh…Di bah James? ( nagsisimula na naming manukso at pinigilan ang tawa) ME want COOKiE! HAHAHA! Oh num num num (sinusunod si cookie monster)

Ngumiti lang si Ivan. Si Joe naman at Eslove ay nag-apir pa.

James: Shut up man! It’s not funny. I’m over with that Muppet character!

Joe: Oo nga naman Eslove. Over na siya kay cookie monster noh! Mga  over 500 lang naman ung cookie monster collectibles niya dun sa bahay nila eh.  At remember, (parang baklang nagsasalita) nakadisplay pa! HAHAHA (tumawa ng malakas)

James: (naglaser eyes si lolo)

Ivan: Stop it you two (tinuro sina Joe at Eslove). James might get mad now.

Eslove: Joe tigil na natin to baka makatikim pa tayo kay Mr. Cookies’ die hard fan! Hahaha! Tara na Joe, iba na lang pagdiskitahan natin. (nag-meaningful look kay Joe)

Joe: (Nagets kaagad ang ibig sabihin ni Eslove at tumingin kay James) Di mo naman love si cookie monster di ba? Tara na Es! ( at tumakbo sina Eslove papunta sa kinaroroonan ng mascot.

            Naiwang nagtataka sina James at Ivan. What are they up to this time, Ivan thought. Hinayaan na lang nila sina Joe at Eslove. Alam nilang may kalokohan na naman itong gagawin. Sinundan lang naman  nila ito ng tingin.

_________________________________________

            Habang binabalanse ni Devon ang sarili may biglang humawak sa mascot head nya at tinwist ito. Tuloy di nya makita ang nasa paligid. Muli siyang natumba. Kaagad niyang inaayos ang mascot head niya kahit nakahiga pa para makita kung sino ang gumawa nito sa kanya. Nakita nya ang mukha ng dalawang lalaki na tumatawa. Agad2x siyang tumayo at inayos ang costume. Agad rin naman tumakbo sina Eslove at Joe papunta kina Ivan at James.

            Nabigla sina James at Ivan sa ginawa ng dalawa. Pero sanay na sila sa mga kalokohan nito kaya di na sila nakialam pa. Tumahimik lang si Ivan at bakas sa kanyang mukha na naaawa siya sa mascot na pinagdiskitahan. Habang si James naman ay tawang-tawa sa nangyari.

Ivan: That was rude man! Tsk tsk tsk.

James: I know, I know man but it was funny. (tumatawa pa rin)

At nakalapit na rin sina Joe at Eslove.

Joe: Ano tol? Galing ko d bah? Hahaha

Eslove: Tol, nasaktan yata. (medyo naguguilty) Haha. Pero oks lng yun, nakatayo naman eh. haha

Ivan: You shouldn’t have done that man. He might be hurt.

James: (deadma lng si lolo at biglang nagutom) Hey! Can we eat now? I’m hungry.

 Sumang-ayon naman ang tatlo at bumili na ng mga pagkain. Puwesto sila sa isang table at nagsimula ng tumira ng food.

_________________________________________

Devon: GRRRRRR! Kakainis! Looooorrrrdddd! Bakit bah? (Napuno na talaga ang patience meter) (naggagalaiti na sa galit) Akala ba nila papalampasin ko na lang yun? Humanda sila! Ipapatikim ko talaga sa kanila kung paano ako magalit. Wala pa kayang nakakatalo kay black belter Devon! ( nakaform na sa fist ang kanyang dalawang kamay)

            Nagsimulang na siyang maghanap sa dalawang lalaki habang nakasuot pa rin sa costume. At…BINGO! Nakita nya ang dalawa na kumakain sa isang mesa kasama ang dalawa pang lalaki na nagtatawanan. Binilisan ni Devon ang paglakad at tinungo ang mga lalaki.

Devon: Mga hayop! Sige magpakasaya pa kayo! (bulong nya sa sarili)

Nakahawak siya sa malaking cookie props na kasama sa costume nya at lumapit sa table. BANG!  Inihagis nya ang kanyang cookie props sa mesa kaya natapon lahat ng pagkain nila James.

Nagulat ang 4 at lumingon kung saan nanggaling ang inihagis na cookie. Nanlaki ang mata nina Joe at Eslove pagkakita sa mascot.

Joe: Yow! Eh wala palang mannerz itong si cookie monster eh! (tumawa lang)

Devon: Sinong gumawa non? (Napasigaw)

Ivan: Man, let’s go. I don’t want to get into trouble. (tumayo)

Eslove: Pare, galit na ata yan. Si Cookie Monster naging monster na talaga oh! HAHA

At tumawa ang mga kasama except kay Ivan.

Devon: At tumatawa pa kayo ha? Anong nakakatawa?

James: (Tumatawa pa rin) Why? If you were us, would you not laugh?

At lalong tumawa sina Eslove at Joe.

Devon: ARGGG!!! Kakainis na sila! (bulong sa sarili) Ganun pala ha. Tignan natin. (Lumingon-lingon siya at may nakita. Bigla niyang kinuha ang inumin ng isang bata na nakaupo sa katabing table.)

At...CHEDENG!

            At Nabasa na nga si James sa icetea. Binuhusan siya ni Cookie Monster.  :)


3 comments:

  1. waaaaa! ang cute naman po neto tska nakakatawa po.

    Di po halatang bagohan kaayo. Next chapter na po. kawawa si James.

    _Eunice_

    ReplyDelete
  2. tingnan lang natin kung favorite mo parin si cookie monster!!!!

    hahaha

    ReplyDelete
  3. familiar ang story na yan, parang doremifasolatido ni jang geun suk ryt? :D

    ReplyDelete