Sa Northview Covina Independent School for Gifted Children, lahat ng mga studyante dito mga geeks, nerds, dorks. Ngunit si Zassie Xharei Martinez di pa rin makafit in sa lahat. Si Zas ay isang Math genius na may magkahiwalay na mga magulang, isang malditang stepmom, maarteng stepsister at walang bf since birth. Palagay niya di talaga siya makafit in kasi di useful yung talent nya. Ang iba kasing geek sa school niya, special ang talent, katulad na lang ng best friends nyang mahilig magpinta at mahilig gumawa ng mga video games. Ang nagagawa lang naman ni Zas ay ang magcalculate ng mga numero sa utak sa loob ng ilang segundo. Sa katunayan, tinatawag si Zas sa school nya bilang “Human Sci-Cal”, na ayaw naman niya dahil sa tuwing nalalaman ito ng mga bagong kakilala niya, wala itong ginagawa kundi tanungin siya ng mga math problems. Tska may mga calculators naman sila, so bakit pa siya kailangan?
Then biglang maaassign si Zas sa isang event sa school (Gifted Heart Gala) na kilala na bilang pinakawalang kwentang event sa school dahil every year na lang kumukuha sila ng speaker galing sa ibang school at puro speech lang naman ang ginagawa na nagiging lame na at boring para sa mga estudyante. And habang naghihirap siya para makahanap ng date para sa event, hindi niya pamigilan ang mga problemang isa-isang nagsisilabasan mula sa NCISGC aka “Nerky High” hanggang sa bagong tirahan niya – marerealize nya na mas importante pa kung sino ang tunay na ikaw kaysa sa magfit in ka nga pero nagpapanggap ka lang naman.
Hmmm, Mkhang intrsting to ah. Looking forward po sa bago nyong ff.
ReplyDeleteOkaY lnG kAht D TgKl Kna James aT dEvz. CGurado MgndA Ren To.