Monday, December 6, 2010

"That Cookie Monster" (Chapter 7)


Lumiko siya sa kanan ngunit sumunod ito. Lumiko din siya sa kaliwa ngunit hinarangan pa rin siya. Kanan, sunod. Kaliwa, sunod pa rin. Naiinis na talaga si Devon ngunit hindi niya makita ang mukha ng taong nakaharang sa kanya dahil natatakpan ito ng payong na dala nito. Pakiramdam niya ay sinasadya talaga ng tao na ito na harangan o inisin siya.

“Gago pala ito eh!” bulong ni Devon sa sarili.

Devon: Excuse me! Padaan po! (nilakasan talaga ang boses dahil badtrip na)

Tumawa ng mahina ang taong humarang sa kanya at iniangat ng unti-unti ang payong para makita si Devon. Nagulat si Devon dahil si James pala iyon at nagsisimulang na namang itong mang-asar. Ngumiti ito sa kanya na parang mapupunit na ang labi nito dahil sa laki ng ngiti. Ngumiti rin si Devon. Nagtitigan lang silang dalawa ng ilang segundo habang magkaharap pa rin sa isa't-isa at si Devon ay nababasa pa rin ng ulan. Natauhan muli si Devon at unang nagsalita...

Devon: Ahmmm... James? Di mo ba ako pasisilungin diyan? (ngumuso sa payong)

James: Oh! (natauhan na rin) I'm sorry. (pumunta sa tabi ni Devon at pinayungan na rin sa wakas)

Devon: Bakit ka ba lumabas? Ang lakas ng ulan oh. (mild pilya mode na naman) Yeee... Worried ka na baka mabasa at magkasakit ako noh? (naglakad na rin sila ni James pauwi)

James: Eh? Why should I be worried about you? I just couldn't sleep and I felt a little bored so I came out even if it is raining. Anyway, I brought an umbrella with me.

Devon: Wey? Defensive ang lolo mo inday! (bulong niya sa sarili) Whatever! Aminin mo na kasi. Yeee. Wala namang mawawala sa 'yo kung aaminin mo di bah? (nang-aasar na si lola)

 James: (chuckles)

Devon: Go! Ask mo na! (humina ang boses)

James: Huh? What am I supposed to ask?

Devon: Kung bakit bigla na lang akong umalis mula sa praktis room nyo.

James: Ah, that. Didn't you cry? Weren't you hurt? If I asked, wouldn't it be even more hurtful for you?

Devon: Sino bang may sabing umiyak ako? (deny si lola) Hindi naman ako umiiyak eh. Bakit naman ako iiyak? Isa lang naman ang nakakapagpaiyak sa akin eh, kapag nakakita ako ng daga. (chuckles)

James: (chuckles) Really? (humarap kay Devon) What if I make you cry? (biglang serious)

Devon: (tumingin kay James at ngumiti lang) Paano kung di mo ako mapaiyak?

James: Hmmm...(nag-isip) I'll fulfill whatever you wish.

Devon: Oh sige. Pustahan natin to ha. I ke-keep mo naman siguro yung promise mo di bah?

     Kinuha ni James ang isang kamay ni Devon at ipinahawak ito sa payong. Naglakad ng mabilis si James at iniwan si Devon kahit malakas pa ang buhos ng ulan. Kumanta ito habang naglalakad papunta sa kanilang bahay.

Don’t you cry, don’t you cry
Or else i'll be the wining guy
Oh my Oh my
Tomorrow I’ll say hi
But tonight, Devon goodbye! 

        Dahil sa madulas ang sahig at hindi tinitignan ni James ang dinadaanan, nadulas siya at muntik ng matumba. Tumawa ng malakas si Devon. Lumingon si James kay Devon at ngumiti ng nakakaloko. Nagpatuloy na rin siya ng paglalakad at nagpahabol pa ng isang mensahe.

James: Don't cry okay? Santa won't give presents to cry babies. (nakatalikod)
_________________________________________

Sa Jade Academy...

Nakasilip si Devon sa glass wall ng isang room. Hinahanap niya si James dahil yun yung kasunduan nila. Alas-5 na kasi at di pa rin lumalabas si James sa gate kaya pumasok na siya. Nakita siya ng isang estudyante sa loob ng room. Nag-hi lang si Devon kunwaring kilala ang lalaki. Nagwave din naman ito sa kanya. Hindi niya alam na may nakamasid pala sa kanya. May tumapik sa kanyang balikat at nang lumingon siya ay nakita niya ang isang professor.

Prof: Miss? Anong ginagawa mo dito sa school namin? At bakit nakasilip ka diyan ha?

Devon: Hello po. A-e… Ahmm… Nandito po kasi yung kapatid ko. Bumibisita lang. (plastic smile)

Prof: (tumingin sa mga estudyante sa loob) Sino diyan ang kapatid mo aber?

Devon: Ahmm… Kahit naman sabihin ko pa iyon sa iyo, di mo pa rin siya kilala. Mahirap kasi bigkasin yung name niya eh.

Prof: Sinungaling! Akin na yong ID mo!

Devon: (kinabahan) Eh.. wala sa akin eh. Naiwan ko po.

Prof: (may biglang hinablot sa may dibdiban ni Devon)

Devon: (drama mode si lolo) Hwah! (tinakpan ang sarili na parang natatakot) Anong pong ginawa niyo sa akin?!

Prof: (biglang narattle) Ano?!

Devon: Bakit po kayong nanghahawak ng dibdib?!

      Tumakbong papaalis ang professor habang si Devon ay nag-aacting na umiiyak. Nang makaalis ng tuluyan ang guro ay nagbelat siya. Hindi niya namalayan na paparating na pala si James.

James: What are you doing?

Devon: (humarap kay James) Hmph! Dahil sa iyo nakuha tuloy yung name tag ko.

James: (lumingon-lingon) Huh? Who took it away?

Devon: (sinunod yung physical appearance ng guro, mataba at instik)

James: Haha. You better give up. He will never return it to you. (tinapon kay Devon yung guitara para dalhin ng dalaga)
_________________________________________

            Pinipilit ni Devon na makakuha ng picture kasama si James gamit ang kanyang phone. Nakatayo sila sa gilid ng isang dingding na may “beach background”. Hinihila niya si James dahil pilit nitong kumakawala sa pagkakahawak niya. Pinagtitinginan sila ng mga taong dumadaan.

James: Hey! Let go! Everbody’s staring at us! Devon! Why do I have to take this with you?

Devon: Dahil nga sa part-time job ko, di na ako makakapunta pa ng beach. (hinihigpitan ang hawak sa leeg ni James)

James: Do you think they’ll believe you? We’re wearing uniforms!

Devon: Ahhh basta! Wag ka nang umangal pa! Kung gagalaw ka pa , mas lalong papangit yung kuha! Hay dali na!

“CLICK!!!” At sa wakas nakapagpicture na ang dalawa. :)


3 comments:

  1. Galing ah....nxt pleeeeaaasssseeee...

    Cute ni Devon parang enchos! hahaha xD

    ReplyDelete
  2. ang galing!...nakakalerkY...tawa aq ng tawa...astig ni MM dito Ah!...

    ReplyDelete