Thursday, December 9, 2010

"That Cookie Monster" (Chapter 8)


            Naglalakad na patungo sa pratice room sina James at Devon. Nakasunod lang si Devon kay James habang pasan niya ang guitara nito. Medyo nabibigatan na rin siya dito. Nagsimula na namang mang-asar si James.

James:   Ohhh! Don’t tell me you’re gonna give up now.
                  But I know you’re strong somehow
                   You can carry it forever, it’s just a piece of cake
                   If you’ll do it for a week, I’ll buy you a steak

            Nanlaki ang mata ni Devon sa huling salita na kinanta ni James. Parang may biglang bumagting sa kanyang tenga at naalarma siya. Agad siyang tumakbo para tanungin si James kung totoo ba ang sinabi nito kanina.                

Devon: James! Tama bang narinig ko?! (hinarap talaga si James)

James: (nagmaang-maangan) Huh? What? What have you heard?

Devon: Ay sus! Yung sinabi mo kanina.

James: What? Did I say something?

Devon: What-what ka diyan! Ay James naman eh! Sabi mo ililibre mo ako!

James: Did I say that? I don’t remember that I said something like that. I wasn’t even talking Devon! I was singing!

Devon: Hindi! Hindi mo nga sinabi, pero kinanta mo naman. Liar ka pala eh. (drama mode)

James: I did? (pinipigilang ngumiti)

Devon: Oo nga sabi. Ang kulet! Ganito pa nga eh. I’ll buy you a steak , I’ll buy you a steak(inulit ang last phrase na kinanta ni James dahil ito lang naman talaga ang natatandaan niya) (napaquestion mark face lang si James) Ah basta sinabi mo yun! Alam ni Lord yun! I swear! Tamaan sana ng kidlat ang nagsisinungaling! Sabi nila pagliar ka, maaga kang kukunin ni Papa Jesus. (nagpapakonsensya)

James: Haha. You’re funny. You even include Lord just for a steak. When was the last time you eat? (ask ni James kay Devon dahil over kung makareact si Devon nung marinig ang salitang steak)

Devon: Haha. Seryoso ba yung tanong mo? Kanina lang kumain ako ng quek-quek. Naexcite lang ako bigla kasi matagal na akong di nakakain nang steak. Mahal kaya niyan lalo na pag sa restaurant ka bibili. Pero panalo naman yung lasa. Super! Nam nam! Sarap! (nagsisimula ng mag-imagine)

James: Well, you could cook steak anytime you want.

Devon: Eh di ko alam pano eh. Sige na ha! Dadalhin ko talaga to for one week para lang sa steak. (puppy eyes mode)

James: Okay okay. Be sure you keep that promise or else… Say goodbye to your steak.

Devon: Hindi po mangyayari yan. Promise! (ngumiti na parang bata) Salamat sir!

            Tuwang-tuwa naman si Devon sa sinabi ni James. Sa wakas at makakain na siya ulit ng steak. Nakarating na rin sila sa practice room ngunit bago pa man sila pumasok ay may tumawag kay James.

Bret: Kuya James! Kuya! (lumapit kay James at Devon) Pwede ko bang hingin sa ‘yo yung number ng kapatid mo?

James: (chuckles) Sorry but I don’t remember Fretzie’s number. I left my phone.

Devon: Hoy Bret! Ano bang ginagawa mo dito ha?

Bret: (deadma kay ate) Eh yung telephone number ninyo?

James: My sister like surprises. Just come straight to our house.

Bret: Ahmm. Mga anong oras ba akong pwedeng bumisita?

James: (chuckles)

Devon: (nahiya dahil sa pinaggagawa ng kapatid) Hoy! Sa susunod pagnagkita tayo sa daan, deadmahin mo ako. Magpanggap kang hindi mo ako kilala ha!? Nakakahiya ka!

Bret: Sino ka bah?

Devon: Haizt! Talaga! (nainis at nanggigigil na)

            Babatukan na sana ni Devon si Bret ngunit umilag ito. Nakita ni Bret ang isang batang tumakbo na may bitbit na kuneho. Madumi ang kuneho at parang walang nag-aalaga nito.

Bret: Kuneho oh! (tinuro ang kuneho at mabalis na hinabol ang batang may dala nito)

Devon: Argh! Hay nako! Kakainis talaga!

James: (tawa lang ng tawa, natutuwa yata kay Bret) Your brother acts the same as you do.

Devon: Huh? Nagpapatawa ka bah? Opposite nga kami eh. Bakla yun. Over kung matakot. Duwag sa madaling salita!

James: How did you say it? Neg-pe-pe-teyw-wah? (pinipilit ni lolo magtagalog) And what was it? Dohw – whag?

Devon: Hahaha. Wag mo nang pilitin sir. Magkakabuhol-buhol lang yang dila mo.

James: Yeah I guess it’s hard. Come on. Let’s go in.

            Papasok na sana sila ng biglang huminto si James. Lumingon siya sa kaliwa at ngumiti.

James: It’s Patrick.

Lumingon din si Devon at nakita niya si Patrick na paparating. Huminto si Patrick at nakita niya si Devon na nakatingin sa kanya. Agad inalis ni Devon ang tingin at yumuko.

James: Hey Pat! Devs, he is my bestfriend.(sabay nguso kay Pat) I haven’t really introduced you to him since you run away last time. Now let me do it again, just to be formal.

Devon: (nagulat) Ai James! Wag na! Di na kailangan! Wag na pls! (hinila ang kamay ni James)

Patrick: (lumapit at nag-high five kay James)

James: The other time, you already met her once right? This is Devon.

Patrick: Oh Hi. Nice to meet you.

Devon: Ahm. Hello din. Nice to mee-

Patrick: James, we have to listen to the newly composed song. Let’s go in now. (naunang pumasok)

James: (lumingon kay Devon at ngumiti) Come on in.

Devon: Hindi mo ba narinig sinabi ko? Bingi ka ba? (tinapon kay James ang guitara at umalis kaagad)

James: (nagulat sa ginawa ni Devon) Walk-out again? She has done that thrice already. What could be her problem now then?

            Pagbukas ni James sa pinto ng practice room nila nagkasalubong sila ni Patrick.

James: Going somewhere?

Patrick: (tumingin sa likuran ni James tila may hinahanap) Oh! Someone wants to see me for awhile. Do you want me to buy you a drink?

James: Let’s go together.

Patrick: No. No need to go with me. I’ll be back soon.

James: Really? Okay then. (pumasok na sa room)

            Mabilis na tumakbo si Patrick na tila may hahabulin. Nang makarating na siya sa main street, doon pa lang niya nakita si Devon na kakasakay lang sa jeep pauwi sa kanilang bahay.
_________________________________________

Bret: Fretzie, tignan mo di bah ang cute? Pangalan nito Bun-Bun. Ahmm… Bun-Bun ang name nito nung una pero pwede mo namang baguhin ang pangalan. (habang hawak ang kuneho) Ano? Cute di bah? Kung gusto mo, bigay ko na lang ito sa ‘yo.

Devon: Naku, parang nawala na yata sa katinuan yung kapatid ko. (bumulong sa sarili) Ano bang problema mo? Ba’t nagsasalita kang mag-isa diyan? (lumapit sa kapatid)Hay naku! Alam mo ba kung saan galing yang kuneho na yan? Ang dumi kaya niyan. Ibibigay mo ba talaga yan kay Fretzie?

Bret: Aisht! Wag ka ngang nega! (biglang seryoso) Ate, nagbabago na talaga ako. Love ko na talaga si Fretzie to the nth power!

Devon: Nagbabago ka diyan. Takot ka pa rin kay papa eh! Tamad mo pa rin gaya ng dati. Hindi ka pa rin nag-aaral ng mabuti. Inutil ka pa rin! Yan ba ang taong nagbabago sa ‘yo?

Bret: Ate di ko alam ganyan pala kahina ang utak mo. Nagbabago. Nagbabago ang puso ko. Heller? Haayy! Sakit na nang paa ko. (umupo muna) Ate, gutom na ako. Pwede mo ba akong lutuan ng pagkain diyan? Sige naman oh!

Devon: Ayoko noh! Pumasok ka na lang at ikaw mismo ang magluto! Ano ako, yaya?
_________________________________________

Sa isang shop…

            Kasama ni Devon si Jenny na namimili ng mga gamit. Tapos na rin silang bumili at papalis na. Kabubukas lang ni Devon sa pintuan nang may biglang…

Devon: AYYYY! (nagtumba at nasubsub ang mukha sa sahig) Aray ko! Ang sakit! Sinong gumawa nito sa akin?! (galit at tumingin sa taas)


2 comments:

  1. kulet ni DD at MM!

    pakibilis po ung update...hehe

    -sorry if demanding i want more na kasi! >.<

    ReplyDelete
  2. tma,.,.,.,. cno kaya ang nagtulak key devon

    ReplyDelete